22

31.3K 326 6
                                    

"Mahal mo ba ako?" Ulit ni Ruel.

"Ako ba Acquino hinuhuli mo ha? Are you fishing for something ba?" Does she sound defensive?

"Ha? Hindi naman, gusto ko lang malaman, malay mo, mahal mo pala ako. Nagpapakipot ka lang."

"Lumayas ka nga." Bigla siyang napikon sa binata.

"Joke lang,Gab. Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Alam ko naman na mahal mo rin ako."

"Ako pikon na ha."

"Easy! Mas lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka. Sagutin ni na kasi ako,Gab. Nakakailang araw na ligaw na ako oh, malapit ng one month. Ang tagal na!"

Tignan no tong lalaking ito. Siya na ang nanliligaw, siya pa ang nag rereklamo. Tinignan niya ito ng masama.

"Oh, joke lang ulit.Bukas susunduin kita ha, tapos ihahatid na rin kita."

"Bakit?"

"Anong bakit? Nanliligaw nga ako, di ba? Prinsesa kita, pag sisilbihan kita, o aking prinsesa." Kanta yun, di ba?

Hindi naman gaanong nagtagal si Ruel sa bahay niya. Nangulit lang at pagkatapos ay umuwi na. Nung nakauwi na ang binata ay napaisip si Gab. Mahal na nga ba talaga niya ito? Handa ba siyang tanggapin ang pagkatao nito?Alam naman niyang sobrang palikero ng binata, may posibilidad na sasakit ang ulo niya pag naging nobyo niya ito.

**********************

"Delamerced, ipinapatawag ka ni Chief."

Alam niyang may malaki na naman silabg operation. May information kasi na talamak na ang human trafficking sa Kidapawan, nag re recruit sila ng nga babae lalo na sa liblib na lugar.

"Chief,magandang umaga po." Sumaludo muna siya sa kaharap niya. Isa ito sa ma taong itinuring ba niyang pamilya. Bully man ito kung minsan at nakakatakot dahil sa hitsura nito pero alam niyang malambot ang puso nito lalo at pagdating sa kanya.

"Tuloy ang napag -usapan natin, Delamerced. Wala ng atrasan ito. Kaya mo ba?" Paninigurong tanong nito sa kanya.

"Oo naman po." Alam ng mga ito na ang mga ganoong tipong operation ang gusto niya, may challenge.

"Nakapagpaalam ka na ba?"

"Po? Kanino po?" Alam naman ng mga ito na wala siyang immediate family rito sa Pilipinas.

"Dun sa nobyo mong galante. Si Acquino. Seryoso na ba ang relasyon ninyo ha,Delamerced?"

Open naman siya kay Chief kaya hindi siya na oofend kahit na personal na bagay na ang pinag-uusapan niang dalawa.

"Hindi ko siya nobyo, Chief."

"Hindi pa ba? Ang hina naman pala ng lalaking yun. Basta dapat hindi ka niya paiiyakin, Gabby. Makakalaban niya kaming lahat."

Napangiti siya. "Salamat po. Don't worry, Chief, gagawin natin ang lahat para mahuli ang master mind." Pag-iiba niya ng usapan.

Tinawagan niya si Ruel. "Acquino, huwag mo akong sunduin, may lakad kami mamaya."

"Honey Ko naman. Ruel, not Acquino. San na naman yan? Operation?"

"Yes. Sige na. Ipinapatawag pa kami ni Chief."

"Wait. You take care. Umuwi kang wala kahit isang galos,Gab." He sweetly said.

Damn! Kapag ganito si Ruel bumibilis ang tibok ng puso niya. Nakakalimutan niyang playboy ito.

"Thanks."

"And one more thing,Honey Ko. Text me when you're home."

"Oo na." Nakakainis,kinikilig siya. "I have to go." Hindi na niya hinintay ang sagot nito.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon