FB: Xianrandal
FB Group: Nanjan ang mga OP ng characters: X.i.a.n.a.t.i.c.s.Twitter: @XianRandal
NOTE: tamad na naman akong mag-isip.
59
Samantala, mabilis na nag-iisip si Gabrielle, kailangang makagawa siya ng paraan, halatang may binabalak ang Luis na ito. Kailangang maibigay na niya agad ang marked money.
“Brigette, babe, huwag kang magmadali, wala akong ibang lakad, baka gusto mo munang magpakasaya tayong dalawa?” Sabi nito sa kanya.
Mr. Mena…”
“Luis, babe, it’s Luis.” Pagtatama nito sa kanya. Gusto sanang bigyan ni Gab ng isang matinding upper cut ang maniac na lalaking ito na agad ng nakaakbay sa kanya pero nagpigil siya ng todo.
“Okay, Luis, papupuntahin ko na ba ang mga girls, so that you could meet them.” She sexily smiled.
“Not yet, pupuwede namang ikaw muna.”
“I know, but you see, iba ang presyo ko.” Pagpapalusot niya, nasaan na ba ang mga kasama niya. Baka bigla sila nitong pumasok kung saan, mabuti na lamang at may nauna pa sa kanila sa pagbobook ng room.
Biglang nahagip ng mga mata niya si Ruel. Anong ginagawa nito sa lugar na yun? Salubong na ang mga kilay. Kinabahan siya, delikado ang siwasyon kung makikialam ito. At alam niyang mangingialam ang nobyo, hari ito ng kakulitan. Agad na nakalapit ito sa kanila.
“May available bang kuwarto?” Sabi nito, ni hindi sumulyap man lang sa kanya. Naka business suit pa ha.
“Pare, mukhang kami dapat ang mauna, sa likod ka naming pumila.” Si Luis.
Seryosong nilingon sila ni Ruel. “Nagmamadali ako.”
“Pwes, nagmamadali rin kami ng syota ko. Baka gusto mong samain ka sa akin.” Mayabang na sabi ni Luis.
“Easy Babe, hayaan na muna natin siya, o hindi kaya eh maghanap na lamang tayo ng ibang lugar, ayoko rito, may bad vibes.” Idinarasal niyang hindi magagalit sa kanya si Ruel.
“Sir, I’m sorry po pero nauna po si Sir Pogi sa inyo.” Sabi ng receptionist.
“So sinasabi mo bang hindi ako gwapo?” Pasupladong tanong ni Ruel sa babae. Gustong batukan ni Gab ang nobyo, kahit sa ganitong sitwasyon, ipagpipilitan talagang gwapo siya?
“Ah, eh, gwapo rin naman po.” Napakamot ng ulo ang receptionist.
“So, unahin mo ako.” Pagpipilit nito.
“Nang-aasar ka ba?” Mayabang na tanong ni Luis.
“Ano sa palagay mo?”
Putek na Acquino to! Mapupurnada pa ang pinaghirapan nilang pagplanuhan dahil sa kanya. “Ah, paunahin na nga natin siya, Luis Babe. Baka naman kasi may pinagdadaanan, maupo muna tayo.” Malambing na sabi ni Gab, kumapit pa sa braso ni Luis Mena.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...