49

23.3K 366 63
                                    

49

Malaking kembot ang ginawa ko para lang mapag-isipan paano ibabalik si Gab...wahahahaha..joke.

**************************

“At ano itong nababalitaan namin na kayo na ni Kim?” Seryosong tanong ni Alexie sa kanya. Tila walang pakialam si Ruel na kumakain ng specialty ng kanilang resto, naligaw siya dun kahit maaga pa dahil wala namang ginagawa sa kanyang opisina.

“Sino namang may makating dila ang nagsabi nyan sa iyo?” He munched the carrots, bakit ba masarap ang pagkakaluto ng carrots ngayon? Sa isip niya.

“Hindi na importante kung sinong nagsabi. Totoo ba ha?”

Ngumiti si Ruel. “Si Carlos ba?”

Naiinis na si Alexie. Ang sarap lang batukan ng lalaking ito kung makangisi. Lahat na lang ba papatulan niya? Ni hindi pinaligtas si Kim?

“Hindi si Carlos. Kalat kaya rito na kayo na, extra sweet ka sa tao. Kuya Ruel naman! Baka nakakalimutan mong in-love ka pa kay Gab!”

Biglang napatuwid ng upo si Ruel pagkarinig sa pangalan ng dating nobya. “Who told you that I am still in-love with her?”

“Hindi mo kami maloloko, Ruel.” Biglang dumating si Aron Miguel, to the rescue sa kapatid. “Sa tagal ba naman ng pinagsamahan natin, sa amin ka pa magsisinungaling?”

“This time, hindi na ako in-love sa kanya, I wanted to move on, hindi ba pwedeng kay Kim?” Seryoso nitong tanong sa mga kaibigan. “hindi ba pupuwedeng subukan kong maging masaya sa iba?”

Natahimik silang lahat.

“Seryoso nyo naman kasi! Mabait yung tao and you know that, Alexie dahil ikaw ang tumanggap sa kanya. Isa pa, kasundo ko siya sa maraming bagay.”

“Kakakilala mo pa lamang sa kanya, Ruel.” Si Marcus na naman ngayon. Hihintayin na lang ba niyang darating si Carlos para kumpleto na?

“Ano bang problema kay Kim? Dahil ba empleyado natin?” Naiinis na siya.

“You know we don’t judge people because of their status Ruel. Hindi kami ganun kababaw. Ang sa amin lang, baka sa huli, isa sa inyo ni Kim ang masaktan.”

“Walang masasaktan sa aming dalawa. I assure you that. Ano bang meron at si Carlos na lamang yata ang kulang? May emergency meeting ba na hindi ko nalalaman?” Inosenteng tanong nito.

Halos mag-iisang buwan na rin pala ang kunwa-kunwariang relasyon nila ni Kim, na madalas lamang na sweet sila kapag nasa tabi-tabi si grumpy Carlos. Hindi nila alam dalawa pero pareho nilang nakatuwaang inisin si Carlos.

“Siguraduhin mo lang Ruel. Kim becomes a friend already, although sa dalawa, I still prefer Gabrielle.” Si Alexie.

“Bakit ba nasisingit ang babaeng yan sa usapan natin?” Inis na sabi ni Ruel.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon