11
Di makatulog si Gab, naalala niya si Ruel. Bakit ba kung umaasta ito ay parang di siya talaga maalala, yung parang wala lang nangyari nung high school sila?
Bwisit na lalaking yun! Bakit ba lagi niya itong naiisip lately, lagi siyang pumapasok sa isipan niya, lagi niyang na vi visualize? Parang bumabalik yung high school?
Wag niyang sabihin na may crush na siya rito? May crush siya ulit rito? Di pwde! Di pa siya nadala, walang kaseryosohan si Ruel Acquino. Ang mga tipo nito ang matatakot kang pagkatiwalaan. Babaero, mambobola, mayabang, lahat na!
Tinignan niya ang alarm clock, mag aala una ng madaling araw, di pa rin siya dinadalaw ng antok. Ano ba tong nangyayari sa kanya, di naman siya dting ganun ah. Lagot siya nito bukas, maaga pa naman ang duty niya, ayaw niyang aantok antok siya sa trabaho.
Biglang tumunog ang cellphone niya, agad naman niya itong kinapa sa tabi niya, pag ganito kasing madaling araw na ang tawag ay tiyak na may emergency. Nagulat siya ng number ni Ruel ang nandun. Tumatawag ito sa kanya ng ganun ka late?
Bigla siyang kinabahan, baka naman may kung anon g nangyari sa kanya.
“hello?”
“Hi Gab!” May gosh! Bakit kanun ang boses nito?
“Bakit, Acquino?” Angil niya. Akala pa naman niya kung ano ng nangyayari sa binata.
“Hindi ako makatulog, Gab.” INaakit ba siya ng boses nito? Bwisit na lalaki!
“So? Tatawagan mo ako ng ganito ka late para lang sabihin na hindi ka makatulog? Kasalanan ko ba kung hindi ka makatulog ha, Acquino?” Umuusok na ang ilong niya sa inis.
“Ikaw kasi ang iniisip ko kaya di ako makatulog. Kasalan mo to, Gabrielle.”
Shit! Shit! Shit! Speechless siya! Wag kang padadala Gab. Tandaan mo, manloloko yang Ruel na yan. Babala niya sa sarili.
“Gab? Anjan ka pa ba? Namimiss kita, Gab.”
“Tigilan mo ako, Acquino!” Pinatayan niya ito ng telepono. Nakakainis! Tatawagan lang siya para sabihing iniisip siya nito at namimiss siya nito? Okay lang siya? Pero hindi ba pareho rin sila ng nararamdaman? Iniisip niya rin ito.
Tuloy dapat di na niya nakikita si Ruel Acquino. Di na dapat ito haharang harang sa daan niya. Nakatulog siyang ganun ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...