18
Nag-update na ako, baka kasi hindi ko na maalala ang story na ito..ako na ang Reyna ng Makalilimutin…kita nyo, on going na, push ko lang, ma fifinish ko rin to!
***********************
Nakatitig lamang si Gabrielle sa cell phone niya, bago lang nagtext si Ruel, as usual, sweet message na naman. Napaka sweet naman talaga nito. Makulit at mapang asar nga lang minsan. PEro tuwing nakikita niya ito, sumasaya siya. Hindi nga lang pinapahalata pero apektado siya sa presensiya nito.
IS she in-love with him already?
Naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Alexie kanina, galing na mismo sa bibig nito, wala pa ring pagbabago si Ruel, babaero pa rin until now. PEro nanliligaw ito sa kanya? Does it mean na nagseseryoso na ito, or still the Ruel Acquino that she knew?
Tumingin ulit siya sa cell phone niya, tumatawag na si Ruel. Simula nang nanligaw ito sa kanya, mas naging extra sweet pa ito. Katulad ngayon, alam niyang mag gugoodnight lang ang binata.
“Hello.”
“Matutulog ka na ba?” Lambing ni Ruel.
“Hindi pa.”
“Good. Kuwentuhan muna tayo. Gusto ko sanang pumunta jan kaso gabing-gabi na, baka mahold-up na naman ako.”
“Ano bang pagkukuwentuhan natin?”
“Anything. Tungkol sayo?”
“Hay naku Acquino!”
“Ruel.” Pagtatama nito. Napansin ni Gab na tila malungkot ang boses nito.
“May probelama ba?”
“Wala naman. Bakit?”
“malungkot ang boses mo.”
Napangiti si Ruel, very observant Gabrielle. Malungkot naman talaga siya, naaalala na naman niya si Candice. Nakita niya kasi ito kanina. Masayang-masaya kasama si Aron Miguel. Bakit ba napakahirap mag move on para sa kanya?
“May problema ba?” Pag-uulit ni Gabrielle.
“MEron eh.”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...