OO na! Kung maka PM naman wagas!
Ipapakasal ko na nga! Para namang bitter ako sa pagmamahalan nila na hindi ko talaga ipapaabot ng simbahan, ikumpara ba kina Claude Anton at Charlotte, geh! Kayo na!
Note: Corny overload, sensiya.
********************************
Hindi mapakali si Ruel sa labas ng chapel. Oo sa chapel malapit sa bahay at sa presinto sila magpapakasal. Talagang tinotoo nito ang sinabi. Papakasalan niya si Gabrielle sa lahat ng chapels sa buong Kidapawan, mabuti na nga lang at napigilan siya ni Gab, talagang lalahatin niya, pero okay na rin itong napili nilang chapel.
“Wala ka talagang magawa sa buhay mo no, Pare? Sa dinami-rami ng pwedeng simbahan, ito pa talaga ang napili mo, sa napakaliit na chapel, kita mo, may mga tao pa sa labas, kinulang tayo ng lugar.” Bulong ni Aron Miguel sa kanya.
“Okay na okay to, Pare, mabilis ang lakad ni Gab, makakapag honeymoon agad kami.”
“Sira ulo ka talaga!” May red carpet kaya simula sa labas.
“Pare, kita mo, mala fiesta ang paligid, ang liit ng inayusan.” Hindi maitago ni Ruel ang kasiyahang nadarama.
“Anong ang liit, tignan mo nga sa labas, parang garden wedding ang dating.” Singit ni Alexie. Kung hindi ko lang kaibigan yang magiging asawa mo, pababayaan ko kayo sa trip nyong dalawa. May cathedral naman.”
“Yaan mo na, si Cardinal naman ang magkakasal, ang lakas ko sa kanya ano? Isa pa, wala sa simbahan yan, nasa pakakasalan ko. Excited ako, Pare! Sa wakas! Nag work out ako ng matindi , para mamaya.”
Kung wala lang sila sa loob ng chapel malamang binatukan na niya ang kaibigan.
“Tagal ni Gab.” Humahaba na ang leeg niya sa kakasilip sa labas.
“Anong matagal eh kalahating oras pa bago ang seremonyas. Magtigil ka nga, ngayon ka pa ba maiinip eh oras lang ang hihintayin mo, nakapaghintay ka nga ng taon eh.” Asar ni Marcus.
“Baka kasi magbago ang isip, Pare.”
“Huwag kang mag-alala, nakita ko na si Ginulayan, kaya malamang sisipot yun, siya lang naman ang mahigpit mong karibal.” Asar ni Aron Miguel.
Speaking of Veggie, nakita ni Ruel na papalapit na ito sa kanila, ito naman kasing bride to be niya, ginawa pang bestman si Gulay, talagang close sila. Wala siyang magawa, sabi nga nila, ang kaibigan ng mahal mo, dapat kaibigan mo na rin. Labag man sa kanyang mga abs, kakaibiganin niya si Ginulayan.
“Congratulations, Pare.” Iniabot ni Celerio ang kanyang kamay kay Ruel, walang nagawa ang binata kundi tanggapin ito.
“Salamat.”
“I know Gab loves you so much and I had witnessed how you love her too. Isa lang naman ang pakiusap ko, Pare. Alagaan mo sana siya.”
“Kahit hindi mo sabihin, Pare, gagawin ko yan. Lahat ng makakabuti at makakasaya sa kanya, ibibigay ko.”
Ngumiti lamang si Celerio. Kung sana ay pupuwede silang magpalit ng posisyon ngayon ni Ruel.
“Gentleman, nandito na si Cardinal!” Alexie announced. Pumunta na sa kani-kanilang puwesto ang lahat, ang bride na lang ang kulang.
Dahil sa liit ng puwesto ay dumirecho na altar si Cardinal. Nataranta si Alexie dahil baka mainip ito.
“No, it’s okay, I can wait. Isa pa, malakas sa akin ang ikakasal.”
“Salamat po, ang bait po talaga ninyo, Cardinal.” Malayo nila itong kamag-anak pero kahit pa ganoon, ito ang kinausap niya at kinakausap ng pamilya niya kapag kailangan nila ng payo.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...