60 - END (tonay na koya)

23.9K 528 51
  • Dedicated kay Ruel Acquino
                                    

60

October 31, 2014

Lagi kayong nagtatanong kung bakit bigla-bigla eh end na ang isang story ko, bitin ang ending, hindi ko man lang ipinakasal ang bida..blah..blah..blah…eh gusto ko. Yan trip kong mangyari. Ang tagal ko talagang naikembot ang story na ito, nauna ngang nag-end ang ibang stories, siguro yung iba eh napagod nang mag abang kaya lumipat na ng ibang story, hirap rin akong tapusin ang story na ito dahil sa two years na yan. Ang hirap magdugtong-dugtong kaya I fast forward na natin. At I end na rin, overdue na kasi. Kaya sa story ni Thalia, huwag nyo ng I connect ang dots, para di na ako mahirapan pa.

 

P.S.: Hindi koi to binasa ulit, baka mabura ko, eh di todas na naman ang ending ko.

****************************

Nagmumukmok na nakaupo si Gabrielle, nakatingin sa cellphone niya, kakauwi lamang nila mula sa kasal ni Aron Miguel at Candice. Ang pinsan naman niyang si KIM ay wala, as usual, nandun na naman sa lalaking mahal nito. Lumevel up na lahat, nagsiasawahan na ang mga tao sa paligid niya, going strong na ang relationship ng iba, eh ang sa kanila ng nobyo niya, ganun pa rin?

Talagang tinotoo nito ang sinabing hinding-hindi na siya nito yayayaing magpakasal simula ng huli itong magyaya, ilang buwan na ba iyon? Taon na ba?

“Nakakainis! Ang manhid mo!” Tamang-tama naman na tumunog ang cellphone niya. Si Ruel, tumatawag. Ganun pa rin naman ito, walang pinagbago, makulit, malambing, masarap magmahal, yun nga lang, wala na ba itong balak mag-asawa? Hindi na sila bumabata.

“Hello!” Nakasinghal na sagot niya, nadala siya ng inis na iniisip.

“Ayat ku naman, ano na naman ba ang meron at ganyan ang bati mo sa akin?” Kung nasa harap lang niya ito ngayon, malamang ngiting nang-aasar na naman ang meron ito.

“Wala, ang manhid mo kasi.” Mahinang sabi niya.

“Ha? Anong manhid? Ako? Ang gwapo ko kaya. Sleep ka na, ayat ku?” Lambing nito.

“Hindi pa. Matulog ka na, may meeting ka pa bukas.”

“Maya na, ayat ku. Miss kita.”

“Tigilan mo nga ako, Acquino. Kakahatid mo lang sa akin, miss na agad?” Ganito talaga ang nobyo, para bang hindi nagsasawa, eh siya sawa na, gusto niyang iba naman, sa totoo lang, gusto na niyang mag-asawa.

“Ayat ku naman, bakit ba ang sungit mo ngayon, nakiss naman kita kanina ah, nakatat…”

“Bwisit! Kailangan talagang bilangin mo kung nakailang halik ka ha. Wala ako sa mood. Matulog ka na nga.”

“Nasa mood ako, ayat ku. Punta ako jan, gusto mo, more than kisses tayo.”

“Heh, ang bastos mo!” Napangiti siya, ang tagal talaga nitong mapikon sa kanya. Ni hindi pinapatulan ang pagsusuplada niya. Pero ano ba talaga? Hanggang ganito na lamang ba sila?

“I love you, ayat ku.”

“I love you too.” Haaaayyy! Hanggang kailan ba siya maghihintay? Nakakainis na.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon