53
He was just staring at Gabrielle. Tulog na tulog ito sa kotse niya. Nasa harap na sila ng bahay niya. Yes, his very own house. Hindi niya ito iniuwi sa kanila. Ano ngayon? He wanted to talk to her. He wanted to clarify things, and he couldn’t wait for another day. Kapag naging okay si Gab, magtatanong siya.
“Gab.” He tried waking her up, pero ungol lang ang isinagot nito. Wala siyang magawa kundi buhatin na naman ang dalaga. Stay out pa naman ang kasambahay niya. Medyo nahirapan tuloy siyang ipanhik ito ng kuwarto.
Pwede namang sa guest room but he chose his room. He always dreams of seeing Gabrielle calmly sleeping on his bed. Imagining her sleeping beside him. Kahit ngayon lang. Pwede bang kahit ngayon lang matupad?
Maingat niya itong inilapag sa kama pero sa sobrang bigat ay pareho silang natumba. Mukhang kailangan niya na yatang magbalik gym.
“Ano yan, Acquino. Bakit nakayakap ka sa akin.Na mimiss mo ako no? Siguro mahal mo pa rin ako?” Namumungay ang mga mata ng lasing na lasing na si Gab.
“Ang bigat mo kasi. Matulog ka na.” Umiwas siya ng tingin. Naramdaman niya kasing nag-iinit ang pisngi niya sa sinabi nito.
Tinangka nitong bumangon pero mukhang nasusuka. Kaya agad na itinuro niya ang banyo at inalalayan ito pero sa malas ay hindi umabot. Pati blouse nito ay nalagyan. Tuloy wala siyang magawa kundi alalayan ito para tuluyang umabot sa banyo.
“Umiinom ka kasi ng hindi mo kaya.” Paano ito ngayon, marumi na ang suot nito.
“Nakita kasi kita. Hindi ko kinaya ang sakit.” She smiled. Ni hindi umabot sa mga mata niya.
Biglang nagkaroon ng malaking problema si Ruel. Paano, basing-basa na ang blouse ni Gab. Kailangang palitan. Isa pa, hindi ito magiging komportable sa suot na maong kapag matutulog.
“Maupo ka muna at maghahanap ako ng pamalit mo.” Inalalayan niya ito ulit pabalik ng kama. Pumunta sa closet niya at naghanap ng pwede sa dalaga. Naghanap na rin siya ng bagong towel at toothbrush in case.
Tulog si Gabrielle nung matapos siya. Tinangka niya itong gisingin pero parang mantika lang. Just like the old days.
Napabuntung-hininga siya. Trying to assess his feelings. Bakit parang walang nagbago. Kahit galit siya nung wala ito, bakit ngayon nandito na sa harap niya, nawala lahat?
Kanina nung makita niya itong umiyak, gusto niyang murahin ang sarili niya. Dama niyang siya ang dahilan ng pagluha nito. He somehow couldn’t accept it.
“Tell me what happened, Gab when you wake up. Tell me what went wrong.” Napatitig siya sa magandang mukha nito. How he missed her!
Pero may problema. Paano niya ito bibihisan?
Sanay naman siyang maghubad ng babae, kahit may time limit pa, seconds if you like, pero iba pala pag si Gab. He slowly unbuttoned her blouse. Putek! Bakit kinakabahan siya.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...