3 Hold Up

45.1K 594 26
                                    

3

At ikaw na talaga ang aking reyna nang mga readers nang stories ko! Muuuahhh! thanks!

****

“Siya ba talaga si Gabby pare?” Hindi pa rin naka move on si Ruel.

“Ilang ulit na ba ang tanong na yan ha, Ruel?” Parang tanga naman kasi itong kaibigan niya.

“Paano nangyari yun? Patpatin yun ah, ang ikli ng buhok, di naman matangkad, naka nerd eyeglasses pa, may braces. Paanong nangyaring si Gabriella Silang Delamerced yun?”

“Hindi ko nga alam pare, di ko rin naman nakilala yun nung una kong makita.”

“Wow! She’s damn hot woman now. Paano lumaki ang …ang…ang dibdib niya ng ganun kalaki?”

“Gago! Yun agad ang napansin mo?” Tinapunan siya ni Marcus ng balat ng mani na kinakain nila.

“Saka ang tangkad, lumiliit ako tignan pag katabi ko siya.”

“Pauuwiin kita Ruel pag di ka tumigil.”

“PEro, astig pare, akalain mong minaneho ang ganung sasakyan? Ako nga, di ko kaya yun,baka kasi masira ang kapogihan ko.”

Sa kanilang tatlong magkakaibigan, si Marcus lang naman talaga ang nahihilig sa motorsiklo, although si Aron Miguel ay nagmamaneho rin paminsan-minsan. Si Ruel ang talagang ayaw humawak ni motorsiklo,lapitin raw ito sa disgrasya.

“Teka pare, narinig ko kanina, nasa iyo raw ang calling card? Akin ng number at address pare.”

“Di pwde!”

“Pare naman, magkaibigan tayo.”

“Sa negosyo pare, walang kaibigan. Di ako namimigay ng numero ng kliyente ko.”

“Pare naman, magsosorry lang ako.” Kinuwento nito ang nangyari sa kanya sa bus, kasama nung pagsuntok sa kanya ni Gabby.


 

“So, finally, nakahanap ka rin ng katapat Ruel Acquino?”

“Baligtad, pare, nakahanap na siya ng katapat.”

“Ulol mo!”

“Pare naman, ganito, akin ng number niya at address, tapos aabangan ko na lang siya kung saan, hindi ako magpapahalatang sayo galing pare.”

“So, the majestic playboy Ruel Acquino, aabang sa kung saan para sa isang babae na once ay naging ex niya na hindi na niya maalala.”

“Pare naman, wala namang kantiyawan. Below na belt na yan. Saka, hindi ko naman siya naging ex. Hindi kaya kami naging kami, although patay na patay nga lang siya sa akin nung high school tayo. Hindi naman nakakapagtaka yun, di ba?”

*****

Araw ng lunes, pinuntahan ni Ruel ang nakasulat sa address, ang plano niya, kunwari ay napadaan lang siya at nakita niya ang dalaga. Ewan ba niya, pero bigla siyang nachallenge kay Gabriella Silang Delamerced. Naalala na niya ito, kaya naman Gabriella Silang ang tawag niya ay dahil ang tapang nito nung high school pa sila, actually, hindi niya ito naging ex. Tinutukso lang ito sa kanya nina Aron at Marcus dahil sinabi ni Alexie na may gusto ito sa kanya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon