Alam ni Ruel, kilala niya ang may ari ng boses, at hindi nga siya nagkamali.
"Ikaw!” Magkasabay pa sila.Heto sa harap niya ngayon ang babaeng kanina lang ay sinikmuraan siya. Di niya makalimutan yun, actually, aminado naman siyang may kasalanan din siya pero yung suntukin siya, aba! Babae ba talaga ito o lalaking nasa katawan ng babae.
“So, nagkita na kayo?”
“Oo, di mo naman sinabing may kliyente ka palang amasona, Marcus.”
“hahahaha! You really can’t remember her, don’t you?”
Tinignan ni Ruel ang kaharap. Her long black shiny hair was the first one that catches his attention. Yung magandang mga mata na tinernuhan ng mahahabang pilik-mata, ang naka arko nitong mga kilay na animo ginuhit, those sensual lips na ang sarap yatang halikan. Ang kinis pa niya, ang tangkad, actually mga 5’7” yata ito minus that high heeled boots na itinerno sa tight fitted black jeans ba tong suot niya, with matching ewan niya kung sleeveless o t-shirt dahil nasa loob ito ng jacket. Napalunok siya nung mapunta ang mga mata niya sa dibdib nito. Ang laki yata at alam niya she has that nice shaped butt.
“Hoy! Sabi ko, naalala mo ba si Gabrielle?” Pag-uulit ni Marcus.
“Sino siya?”
Tinaasan lang siya ng kilay ng kaharap. “Kung okay na yung motorcycle ko Marcus, gagamitin ko na ngayon, ipapadala ko na lang ang bayad, nasa iyo naman ang number ko, di ba?” Parang wala itong nakita nung dumaan kay Ruel na hanggang ngayon ay nakatanga pa rin at iniisip yata sino si Gabby.
“Iyo yang motorsiklong yan?” Takang-takang tanong nito.
“Oo, at pakiaalam mo.” Sumakay ito sa motorsiklo niya.
“Teka! Jan ka sasakay? Ikaw ang magmamaneho niyan?”
She still didn’t smile. “And why not? Hindi naman ako katulad mo na toy car lang ang kayang patakbuhin. Salamat Marcus, at pakipaalala na lang sa kaibigan mo kung sino ako.” Then she gave Marcus a sexy smile, and a smirk to Ruel.
Napanganaga silang dalawa ng pinaharurot na nito ang motorsiklo.
“Ang astig pare.”
“Sino siya?” Di pa rin nakakamove on si Ruel.
“Ulol! Siya si Gabrielle “Gabby” Delamerced, yung ex gf mo na pinaiyak mo nung high school tayo na kaklase ni Alexie.
“HOLY COW! Siya yun? Paanong nagyari yun?”
“Aba, malay ko. Di ko nga rin naalala nung una siyang pumunta rito.”
“Wow! She’s damn hot!”
“Hot and dangerous, pare. Baka nga she’s too hot to handle.”
“not with me, pare.”
*****
Pag kayo ay nalito, unahin nyong basahin ang Marxie, at isunod ang The Bestman's Girlfriend, bago nyo balikan to...
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...