42

25.4K 328 18
                                    

42

Hindi niya alam papaano siya nakarating ng Kidapawan. Hindi niya alam kung paanong nakapasok siya sa kanyang bahay. Basta ang alam niya, sobra ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi niya matanggap at hindi niya kayang tanggapin.

Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin siya. Hawak niya ay bote ng alak. Nagkalat rin ang ilang bote ng alak sa tabi niya. Wala siyang tinawagan na mga kaibigan, hindi niya alam papaano sabihin sa mga ito ang nagyari sa kanya, ang ginawang panggagago ni Gabrielle sa kanya.

Hindi niya rin namalayan kung anong oras siya nakatulog. Nagising na lamang siya dahil sa isang nagtatalak na kapatid niya.

“Ano ba naman, Kuya Ruel! Nakakaloka ka! Parang nung isang araw lang ang saya-saya mo. Ngayon makikita kitang miserable.” Naiinis na pinulot ni Raeka ang mga bote ng alak, kasama niya ang kanilang kasambahay.

“Anong ginagawa mo rito?” Masakit ang ulo na bumangon siya. Hindi pa pala siya nakapagpalit ng damit.

“Tinawagan ako ni Ate Alexie, puntahan raw kita. Hindi na nga ako nag-ingay kina Mama at Papa na ganyan ka. Kanina pa kaya kami ni Manang.”

“Umuwi ka na, iwan mo na ako.”

“Kuya, that can’t be. Ngayon lamang kita nakitang ganyan. Ano ba ang problema ha?”

Hindi siya sumagot. Mabigat ang ulo na naupo siya. Naalala na naman niya ang nangyari.

“Damn!”

“See! You’re cussing in front of me! Ano ba talaga ang problema?” Mahigpit kasi na ipinagbabawal ng kapatid ang pagmumura, kaya hindi siya sanay na naririnig itong nagmumura sa harap niya. “Babae ano? Nagkakaganyan raw ang mga lalaki dahil sa isang babae. Sino? Akala ko ba okay ang lovelife mo? What happened?”

“She ditched me.”

“Who? My gosh! Somebody dumped you? Ruel was dumped by a girl! Where’s the charm!”

Wala siya sa mood para patulan ang kakulitan ng kapatid. “Just go. Iwan nyo na ako ni Manang.”

“I was just joking. Move on, Kuya! Maraming babae, you can even choose for the best. Sila na nga mismo ang lumalapit sa iyo. Why ruin your life with someone not deserving? Get up! Isa pa, maligo ka na nga, kahapon pa yata ang damit mo. Then we prepared breakfast for you, so kumain ka na muna.”

“Easy for you to say. Iwan mo na muna ako, Raeka, please. Don’t worry, I will move on. Maraming babae, maraming magagandang babae na mas hihigit pa sa kanya.”

“That’s the spirit, Kuya! Pero hindi ako aalis hangga’t hindi ka kumakain, at hanggat hindi ka naliligo.”

Alam niyang hindi siya titigilan ng kapatid, pero wala siya sa sarili ngayon, ang gusto niya ay matulog at uminom. He wanted to forget what had happened. Parang hindi totoo, imposible!

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon