19 M.U.

32.5K 375 10
                                    

19

Badtrip na pumasok si Gabrielle sa opisina. Ganong mainit ang ulo niya, kapag siguro hinamon siya ng suntukan nang kasama niya, papatulan niya.

“DelaMErced, sama ka raw sa check-point?”

“Pwede bang ikaw na lang?” Nakakatamad kasi pag sa check point siya, boring, titingin sa sasakyan, magmamakaawa ang sinumang mahuhuli, magbibigay nang lagay. Nag cocoordinate rin kasi sila sa LTO, in other words, walang challenge sa kanya. Mabuti pang sumama sa raid, exciting pa. Pero bibihira naman siyang isinasama. Kapag kailangan lang ng undercover.

“Sige. MEron ka ba ngayon? Ang sungit mo.” Asar ni Filemon sa kanya.

“Ulol!” Tinapunan niya ito ng ballpen.

Naiinis kasi siya kay Ruel, napaka babaero talaga, kung saka-sakaling sasagutin niya ito, malamang sakit nang ulo ang aabutin niya. Baka magugulat na lang siya may babae nang sasabunot sa kanya dahil sa selos, o siya ang makakasakit dahil sa selos. Talaga naman Ruel Acquino!

Speaking of the devil. Nakita niya itong papasok ng presinto.

“Gab.”

“O?”

“Yung Yasmine kanina.”

Tinignan ni Gabrielle si Ruel. Nakakaawa ang mukha nito. Sabagay, bigyan dapat ng chance magpaliwanag.

“Offfice hours.”

“Tsk. Sige na nga, sabay tayong mag lunch.”

“Oo na. Umalis ka na at malilintikan ka kay Chief.”

“Ingat rito Honey Ko.” Sabay flying kiss pa nung papalabas na siya. Mahirap nang mag flying kiss ng malapit kay Gab at baka flying kick ang ibibigay nito sa kanya.

Abnormal talaga na Ruel, pero napangiti siya nito. Lately, nasasanay na siya sa presence nito, sa pangungulit, sa pang-aasar, sa pagiging sweet. Will she give him a chance na nga ba? Lagi kasi naiisip niya ang possibility of getting hurt someday pag minahal niya ito ng tuluyan. Kakayanin niya ba? Will she take the risk?

True to his words, Ruel was back during lunch time bringing food  for the people in the precinct. Siyempre, nagfiesta na naman ang sanlibutan ng presinto nila. Welcome na welcome na dun ang binata. Paano ba naman, libreng lunch sila.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon