I chose what they use in their OP/FC accounts. I need to end this too since matagal na siya, as usual, nakakalungkot rin iwan ang kuwento. Pacorny na nga lang si Ruel, baka hindi na bagay at hindi na kapani-paniwala. LOL! Just talk to them here.
https://www.facebook.com/ruel.acquino?fref=ts
https://www.facebook.com/profile.php?id=100008343198494&fref=ts
56
Papunta pa lamang siya kina Gabrielle nung tumawag ito. Tuwang-tuwa siya dahil ipinapatawag raw siya sa opisina.
“Pinababalik na ako, Acquino! Mas napaaga, akala ko nga sa isang buwan pa.” Masayang sabi nito sa kanya.
Inaasahan na niya iyon dahil nakatanggap rin siya ng tawag kanina mula sa isang kakilala. Okay na raw ang mga papeles ni Gabrielle Dela Merced.
“Mabuti naman, susunduin na lang kita mamaya sa presinto ha.”
“Thanks. Mag-ingat ka.”
“Oo naman. Gab..”
“Yes?”
“I love you.”
Napangiti si Gabrielle.
“I love you too.”
Sa sobrang gulat dahil sa narinig ay nabitiwan ni Ruel ang cellphone niya. Hulog! Wasak!
“Anak naman ng bulate!” Dali-dali niya itong pinulot para i-on pero ayaw. Tama ba yung narinig niya, I love you too ni Gab? Badtrip na badtrip siya sa cellphone niya. Pero kailangang i-confirm.
**************************
Masayang-masaya si Gabrielle, okay na ang lahat, nakausap niya ang bagong Police Director, pwede na siyang magsimula sa Lunes and that is two days from now. May ipapasa lamang siya na ilang papers. Makakabalik na siya ng trabaho at doon pa rin siya sa dating presinto.
Pagkalabas niya ay isang guwapong-guwapong Ruel lang ang nakita niya, nakasandal sa motorsiklo? Kailan pa nahilig sa motorsiklo ang lalaking ito?
“Hi.”
“Yah. Hi. Sa iyo yan?”
“Yes.”
“At kailan ka pa nahilig jan?”
“Bago lang, papaturo nga sana ako sa iyo, Nay.”
“Nay?”
“Yep. Nanay ang naisip kong endearment sa iyo…Nay.”
“ Nanay ang itatawag mo sa akin? Gusto mong samain ka ng tuluyan ha?” Bwisit na bwisit siya.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...