35

29.3K 417 35
                                    

35

May BS ito! Wahahaha! Kaya yung grade five ko na reader, alis ka muna..wahahaha! Joke! Dapat drama ito tallaga, kaso biglang naging horror, kaya pasensiya na ha...may tama ang utak ko ngayon. Broken hearted kasi ako...masakit sa bang yang love-love na yan! 

****************************************

Iniwan ni Ruel ang supot ng pagkain sa lamesa, sa harap minsmo nina Gabrielle at Celerio. Hindi ba at sinabi niya sa dalaga kanina na siya ang bahala sa lunch nila? Ano at nung bumalik siya ay iba na ang kasama nito? Nagpupuyos ang kalooban na pumasok siya ng kanyang kuwarto. Ganito pala ang pakiramdam? Ganito pala ang mararamdaman mo kapag yung babaeng gustung-gusto mo ay kasama ang karibal mo. Hindi niya ito naramdaman noon kay Candice at Aron Miguel. Now he is really sure na iba ang nararamdaman niya kay Candice at iba ang kay Gab.


Gutom siya but he managed not to eat, sa inis niya ay lumabas siya ulit para maghanap ng makakainan. Nakasalubong pa niya ang dalawa.


"Sa iyo ba ang pagkaing na nasa lamesa?" Tanong ni Gabrielle.


"Siguro" Then nilampasan silang dalawa. Wala siyang kangiti-ngiti, nagtaka naman si Gabrielle. Sinundan lamang ng tingin si Ruel.


Naiinis na sinipa ni Ruel ang nakitang bato. Ganun ba talaga kamanhid si Gab sa nararamdaman niya para rito? Hindi ba niya nakikita na seryoso siya? Ano baa ng gusto nitong patunayan niya para maniwala ito na talagang mahal niya ang dalaga? Hindi pa ba sapat na sinundan niya ito hanggang Parang, Maguindanao?


Tinawagan niya si Dexter Ginulayan, niyaya niya itong uminom, mabuti na lamang at pumayag ang pinsan ni Celerio.


**************************

Hindi mapakali si Gabrielle, gabi na pero hindi pa dumarating si Ruel Acquino. Wala naman itong alam sa Parang. Umuwi na kaya ito sa Kidapawan? Imposible naman yata, wala naman itong binitbit na gamit nung umalis kanina.


Napatingin siya sa relo, mag aalas diyes na  ng nag gabi. Saan ba ito nagpunta? Teka, bakit ba siya nag-aalala? Malaki na ito at alam na niya ang ginagawa niya. Minabuti niyang pumasok na lamang sa kuwartong inookupahan. Pero hindi pa rin siya mapakali. Bahala na, itetext na lang niya ito.


Tumunog ang cell phone ni Ruel indicating that he received a text message.


Nasaan ka, Acquino?

 

"Aba't naalala ako." Pero hindi niya ito nireply, masama kasi ang loob niya. Akala niya kanina ay makakasabayan niya ito sa pagkain, hindi pala.


"Mukhang malaki ang problema mo, pare. Babae ano?" Hindi na napigilang tanong ni Dexter sa kanya habang nag-iinuman sila.


"Oo, isang babaeng tigre, pare. Ang ilap!"


"Tsk! Mahirap nga iyan, pare. Hindi mo ba kayang paamuin?"


"Sinusubukan, Pare, pero malapit na akong sumuko." Iyon ang totoo, hindi siya sanay sa mga ginagawa niya ngayon, masyadong ipinaparamdam ni Gabrielle na wala itong gusto sa kanya. Masakit pala ang ganun. Siya nga, basta alam niyang may gusto ang isang babae sa kanya, hindi na niya pinahihirapan, kinakarinyo niya agad, bakit ngayon hindi iyon gawin ni Gabrielle sa kanya? Alam naman nitong malaki ang gusto niya sa babae, dineklara naman niyang mahal niya ito, bakit hindi siya kayang mahaling muli ni Gab?

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon