52
Walang idea na pumapasok sa utak ko kaya natatagalan ang update.
***********************************************
“Are you joking?” Ang lalaki ng mga mata ni Kim. They were eating their breakfast when Ruel told her that Gabrielle was his ex-girlfriend.
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“wow! As in wow! I can’t believe this!” Isinubo nito ang hotdog pagkatapos ay uminom ng kape.
“Small world huh.”
“That explains why she didn’t want to come with me tonight. Kasi ayaw ka niyang makita. Paano yan, I told her na boyfie kita.”
“Walang problema sa akin.” Ruel just shrugged.
“Noooooo! Ayoko naman na iisipin ng Cuz ko na inagaw ko yung boyfie niya no. Hindi ako ganun.” Bigla tuloy siya nagkaroon ng problema.
“Hindi mo naman ako inagaw sa kanya. Wala na kami, nung naging tayo. I mean, kunwaring naging tayo. So please, huwag mong sabihin sa akin na tigilan natin ito.”
“Aba naman, Ruel! Parang love stoy lang sa teleserye ha, ako yung gagamitin mong kontrabida ng relasyon nyo ni Gab. A-yo-ko.”
“Tsss. Alam mo namang sila ni Celerio, hindi ba? So anong problema. Sige naman, Kim, bibigyan kitang bonus, I’ll double your salary.”
“At ako ay iba-bribe mo ng double the salary na yan ha. Sabihin mo nga ang rason kung bakit kailangan nating magkunwari sa harap niya?”
“Times three?”
“Whoa! Sabihin mo nga muna bakit, kapag okay ang rason mo, papayag ako. Sige na.”
*************************************
Hindi niya matanggihan si Kim, kahit ano pang ayaw niya, siya namang kulit nito. Kaya tuloy heto siya ngayon, sumama sa bar na sinasabi nito, inihanda na rin niya ang kanyang sarili. Nalaman kasi niyang ang magkakaibigan ang nagmamay-ari, malamang, makikita niya sina Marcus at Aron Miguel o si Alexie na kaibigan niya. Alam nang mga ito na naging sila, so, alam rin nang mga ito ang nangyari sa relasyon nila ni Ruel.
Inilibot niya ang mga mata, maaga silang pumunta dahil sa trabaho nito. Sana hindi maligaw rito ang magkakaibigan, pati na si Ruel.
“Siya si grumpy Carlos” Bulong ni Kim sa kanya. Batay sa kuwento ng pinsan, si Carlos ang isa sa mga may-ari ng resto bar na yun.
“Hi Sir! Pinsan ko pala, si Gabrielle Delamerced. Gab, ang pinakamasu, I mean mabait kong Boss na si Carlos Manlotoc.”
Tinignan muna ni Carlos ng masama si Kim bago humarap at nakipagkamay kay Gab. Kaano-ano kaya ito ni Candice? Memories came rushing again. Mali yatang pumayag siyang pumunta rito.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...