41

26.1K 322 21
                                    

41

Hindi pa talaga ako sa action…praktis lang to! Hehehehe..kailangan kasi, dun sa the bestman’s GF, may two years na gap, di ko alam kasi ang gagawin ni Ruel within those years kaya medyo hirap ako…at dahil matagal ito hindi na update, kaya, iuupdate ko ng maraming update...hala! BASA

************************************************

“Ilabas siya.” Utos nito. Biglang napaatras si Gabrielle. Hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya namalayan na nasa likod na niya si Celerio kaya natumba siya.

“Aba! Wala na palang tali  ang tigreng ito.” Hinila siya ng pangit na lalaki, papalabas, kahit ayaw niya ay walang laban ang lakas niya kontra rito.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Hinawakan pa siya ng isang lalaki kaya hindi na siya makakilos.

“Gabrielle.” Tawag ng nasa harap niya. Isang taong kilalang-kilala niya.

“Chief?!” Of all the people, hindi niya akalaing ito pa ang makikita niya ngayon.

 “Chief, bakit? Itinuring kitang ama.” Mapait na tanong niya, ni hindi siya makapaniwala. Hindi niya kayang tanggapin. Sana nananaginip lamang siya.

“Sabihin na nating pareho tayong walang pagpipilian, Gabrielle.”

“May pagpipilian ka! Iyon ay ang gumawa ng tama!” How could someone she idolizes talked that way? Yung inaakala niyang taong hihingan niya sana ng tulong ngayon ay siya pa palang magpapahamak sa kanya.

“Ang tama, hindi mo makikita kapag mahal mo na sa buhay ang nakasalalay, Gabrielle. Katulad mo, ano ang pipiliin mo, ang tama o ang buhay ng taong mahal mo?”

Naintindihan niya ang gusto nitong sabihin. “Huwag nyong pakiaalaman ang ibang tao!”

“Too late, tanungin mo si Celerio.”

“Hayop kayo!”

“Si Ruel ito, hindi ba?” Ipinakita nito ang picture ng nobyo na palabas ng tinutuluyan nito. Ang malapitang litrato ng kotse niya, opisina. Mga larawan habang naglalakad ito at nakikipag-usap kung kanino.

“Tigilan ninyo ang taong wala namang kinalaman rito!” She wanted to cry pero hindi pupuwede, kailangan niyang maging matapang para rito.

“Pakinggan mo.”

Hello, Honey Ko, bakit ang tagal mong sagutin ang cellphone mo! –  Si Ruel. Pagkarinig sa boses ng nobyo ay bigla siyang napaiyak.

Ruel, wala ang Honey mo na akin na ngayon. – napakunot-noo si Gabrielle, boses iyon ni Celerio. Ano ang pinagsasasabi nito?

Celerio? Bakit nasa iyo ang cellphone ni Gabrielle? Nasaan siya? Kanina ko pa siya gustong makausap.”

Nagpapahinga, pagod kami buong gabi. Alam mo na.-

 

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon