38
Kapatid! Kung di lang kita mahal! Eto na ang isang napaka boring na update...hehehe..Si Kapitan, hindi kaya ng utak ko ngayon
******************
“Ma’am!Tita!” Lumundag sa gulat si Ruel Acquino. Hindi na tuloy niya alam kung ano ang itatawag sa landlady. Hindi naman alam ni Gabrielle ang gagawin. Kung nakikita niya lang ang sarili niya, malalaman niya kung gaano siya kapula ngayon. Nakakahiya sa landlady nila.
“Naghihintay ako ng paliwanag mula sa inyong dalawa.” Walang kangiti-ngiting sabi nito.
“Ma’am, ano po. Ah…” Ruel started to explain everything to their landlady. Mula umpisa hanggang kung kailan siya sinagot at kung ano ang rason ng pag-uwi na muna niya sa Kidapawan. The landlady just looked at them. Hindi mo mabasa kung ano ang nasa isip nito. But Ruel was praying that she would understand it.
“Naintindihan ko. Pero kailangang maghanap ka ng malilipatan mo, Ruel. Alam mo naman ang patakaran ko sa aking boarding house. Si Gabrielle lamang ang pupuwedeng matira rito, sa ngayon.”
Napalunok si Ruel. Ibig sabihin magkakahiwalay na sila ng Honey Ko niya?
“Okay lang po, Ma’am. I understand, we understand. Uuwi na po si Ruel tomorrow and perhaps will just visit me here. Okay lang naman po ang bisita?” Hindi naitago ni Ruel ang pagsimangot. So, hahanap na talaga siya ng matutuluyan niya kapag bibisitahin niya si Gabrielle dito sa Parang?
“Ma’am naman, pwede po bang dito pa rin ako? Sige na po. Hindi naman kami gagawa ng kalokohan, saka, tignan mo naman ang Honey Ko. Ni halik nga, hirap na hirap pa akong kunin.” G*go talaga itong boyfriend niya.
“Hindi talaga pupuwede, pasensiya na kayong dalawa ha. Alam kong pareho kayong professionals na pero hindi talaga pupuwede.” Hay! Ang hirap talagang I convince ng landlady nila. Wala siyang magawa.
“O siya, babalik na lamang ako bukas ha. Yung deposit mo, Ruel, pupuwede kong ibigay bukas, kasi hindi ka naman umabot ng isang buwan rito.”
“Naku! Huwag na po. Idagdag nyo na lamang po sa rent ng Honey Ko. Maraming salamat po talaga ha. Pakibantayan na rin po ang Honey ko, baka kasi may aali-aligid pa na upo, patola at talong.”
“Ha?” Nalilitong tanong ng landlady nila. Alam ni Gabrielle ang pinagsasasabi ni Ruel, si Celerio Ginulayan. Puro gulay ba naman ang binanggit, nakalimutan yata ni Ruel na isa ring Ginulayan ang kaharap niya. Mapepektusan niya ito mamaya.
“Ah. Wala po. Salamat po talaga. Ingat po kayo ha. Lilinawin ko lang po ha, pupuwede akong dumalaw.”
“Oo, ang kulit mong lalaki ka. Basta ba huwag kang matutulog sa kuwarto ni Gabby. Okay na sa akin.”
Wala talagang lusot.
************************
Malungkot man but he has no choice but to work, ganun din naman kay Gabrielle. “Gab, pag natapos ang kasong iyan, umuwi ka na sa atin. Naintindihan mo ba?”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...