21

31.8K 366 26
                                    

21

Pag kayo UPDATE na word na naman ang icocomment nyo, lagot kayo sa akin! Wahahahaha!

****************************

Halos magmamadaling-araw na nung nakauwi si Gab, nakakapagod talaga ang trabaho niya lalo na at may operation sila. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para tignan kung may text o tawag na ba si Ruel. Aaminin niya, kanina pa siya nag-aantay ng text o tawag nito pero wala ni isa. Why was she disappointed? Sobrang nag expect lamang kasi siya na maaalala siya nito lalo na ngayon.

“Baka nagkasiyahan sila sa party.” Naisip niyang tawagan ito pero nakakadalawang ring lang ay ibinaba niya ang cell phone, baka kasi tulog na ito at maistorbo pa niya.

Nakatulog tuloy siyang nalungkot dahil kay Ruel, ganun siya ka apektado.

Samantala, hindi alam ni Ruel kung ang bote ng alak ang naubos niya, pagkatapos kasi kina Alexie ay umuwi siyang mag-isa at nalulungkot. Nalulungkot dahil nakita na naman niya si Candice at Aron Miguel. Masaya naman siya dahil masaya ang dalawa, pero hindi niya maiwasang malungkot dahil masaya sila, magulo ba siya? Nagseselos siguro ang  tamang salita, nagseselos siya pero hindi dapat, kaya nung umuwi ay uminom pa siya kahit mag-isa, nakalimutan tuloy niyang tawagan o itext man lang si Gab.

Patay siya nito! Ilang text messages ang hindi niya nabasa, may missed calls pa. Paano ba siya magpapaliwanag? Na nakita niya si Candice kaya biglang nakalimutan niya si Gabrielle? Bakit ba kasi ang hirap kalimutan ni Candice?

Tinawagan niya si Gab.

“Hello, Gab, good morning! How are you Honey Ko?” Lambing niya, sana nga lang makuha sa lambing.

Antok na antok pa si Gab, wala naman siyang duty ngayon at tatlong oras pa lang yata ang tulog niya dahil sa Ruel na ito.

“Morning, mamaya ka na tumawag.” She wanted to dismiss him.

“Ha? Pero gusto kitang kausap. Sorry nga pala at hindi ako nakareply sa texts mo, at di ko nasagot ang tawag mo.”

“It’s okay.” Malungkot na sabi niya, wala naman sila talagang official in a relationship status di ba? So hindi ito obligado na replayan o tawagan siya.

“Pupuwede ba kitang makita ngayon? I mean, wala kang duty di ba? Can we have lunch or dinner together?” Kulit niya.

Napabuntung-hininga si Gab, bakit parang ang hirap tanggihan ni Ruel Acquino ngayon? Dapat nga umiwas na siya, yun ang sabi niya sa sarili kagabi, pero paano nga kung talagang seryoso na sa kanya ang binata at talagang nagbago na ito? Wala naman na siyang nababalitaang babae nito ngayon.

“Gab, please.”

“Oo na. Dinner will do.”

“Yes! I’ll fetch you, huwag mo ng dalhin ang motor mo ha, Honey Ko.” Lambing ulit nito.

“Okay.”

****************

Ala singko pa lamang ay nasa bahay na niya si Ruel.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon