23

30K 347 16
                                    

23

Ruel was not able to remember Gab because of Candice, alam niyang nasasaktan ang babaeng mahal niya ngayon, may pinagdadaanan kasi sila ni Aron Miguel, kung pupuwede lamang sanang saluhin ang lahat ng sakit na nararamdaman ni Candice ay  ginawa na niya.

Nasa Kidapawan na rin si Candice, alam na nito ang tungkol sa anak ni Aron Miguel na si Tom. Ruel wanted to talk to her, gusto niyang malaman nang dalaga na kung kailangan niya ng kausap ay andun lamang siya. But she refused, gusto raw nitong mapag-isa, gusto nitong mag-isip. Ganun pala ang pakiramdam nang gusto mong pasayahin ang babaeng mahal mo pero tinatanggihan ka.

He was just inside his room ng tumunog ang cell phone niya, Si Gab. Oo nga pala, he still have Gabrielle, ewan at bakit bigla niya itong nakalimutan. Ni hindi na niya ito natetext o natatawagan man lang. Nakakailang araw na ba? Dalawa?

“Gab.” He received the call.

“How are you, Acquino? May sakit ka ba? Ano bang nagyari sa iyo ha?” Sunud-sunod na tanong nito sa kanya. Alam niyang may pag-aalala ang boses nito. Tuloy ay napangiti siya, alam na alam niya kapag ang babae ay nagkakagusto na sa isang lalaki, and Gab is no exception. Unti-unti, alam niyang nahuhulog na ang loob nito sa kanya. Hindi ba dapat magsaya siya, ang tagal din namang nagpakipot ni Gabrielle sa kanya, ngayon ay alam niyang konti na lamang at sasagutin na siya nito. Pero bakit ganun, bakit parang may kulang? Dahil ba kay Candice?

Alam niyang mali, Candice wil never be his. Iba ang mahal nito, ang masakit, yung kaibigan niya pa, si Aron Miguel. Dapat kinalimutan na niya ang babae, pero paano naman niya gagawin yun? In fact, he really tried to give his attention to another girl, to Gabrielle, pero sablay pa rin.

“Acquino?” Nakalimutan niyang kausap niya pala si Gab.

“I’m sorry. I’m okay, Honey Ko. Medyo busy lang talaga sa trabaho. Na missed mo ako ano?” Ang dali lamang para sa kanya ang maglambing, ang mambola, siguro, isa iyon sa mga talent niya, di ba? Pambobola ng babae.

“Ha? E kasi naman, ilang araw kang walang paramdam, akala ko kung napano ka na.” Biglang lumambot ang boses ng kausap.

“Miss mo ako, Honey Ko? Aminin mo na kasi!”

“Tigilan mo ako, Ruel!” Pagtataray na naman nito. Alam niya, kung nasa harap lamang niya ang babae ay namula na ito, alam niyang sinimangutan na siya nito. At malapit na itong mapikon.

“Sige, kapag hindi mo aminin na na -mimiss mo ako, hindi ako magpapakita sa iyo. This will be the last conversation that we will have.” Pam ba-bluff niya. Tignan nga hanggang saan ang deny nito.

“Si-sige na nga. Na miss kita. Kasi naman, walang nangungulit sa akin.”

Napangiti si Ruel. Nice one! Gotcha!

“Sagutin mo na ako, Honey Ko please.” Pagpapaawa nito sa kausap.

“Hinihingi moa ng sagot mo sa telepono ha, Acquino?”

“Bakit, kapag kaharap ba kita ngayon ay sinagot mo na ako?”

“Ewan ko sayo!”

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon