Kabanata 01

152 7 18
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mata ko. Teka nga! Sinong nagbukas ng bintana sa kuwarto ko?

Padabog akong tumayo pero napatigil ako nang sumakit 'yong likuran ko. Bakit ang tigas ng kama ko?!

Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko dahil antok na antok pa rin ako. Para akong ilang araw hindi natulog.

Minulat ko nang kaunti ang mata ko. Pero nanlaki 'yong mata ko nang nakita ko ang kabuoan ng kuwartong 'to.

Hindi ito ang kuwarto ko! Nasaan ako?!

Napatingin ako sa hinigaan ko. Kaya pala ang sakit ng likod ko dahil walang foam ang kama at gawa lamang ito sa kahoy. 'Yong buong kuwarto ay gawa lamang ang pader sa dayami, gano'n din ang bubong. Kaunti lang ang gamit na narito sa loob, cabinet, lamesa at upuan lang.

At isang bintana na nasa likuran ko ngayon. Sumilip ako roon at laking gulat ko nang marealize kong nasa kagubatan ako. Puro puno ang nakikita ko at ang mga damuhan.

Tumayo ako kahit nahihirapan. Hindi ko alam saan ako dadalhin ng paa ko. Ang dapat ko lang gawin ay umalis dito! Baka na-kidnapped na ako 'no!

"Gising kana. Umupo ka muna't hayaan mong tulungan kita sa mga sugat mo."

Napa-atras ako dahil sa pumasok na Babae. Nakatali ang buhok niya at maputi. Maganda siya pero malay ko ba! Baka kidnapper siya!

Napatingin ako sa braso ko. Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong sugat doon. Ang dalawang braso ko ay meron non. Saan ko naman nakuha 'to?!

"N-nasaan ako?" Medyo pabulong na tanong ko. Ngayon ko pa lang naramdaman 'yong sakit ng sugat at katawan ko. Para akong sumabak sa gera na hindi ko namamalayan.

"Nasa bahay kita. Mas ligtas ka rito kaya rito kita dinala. Hindi ako masamang tao kung ayon ang inaakala mo," diretsong sabi niya. Napa-atras naman ako nang maglakad siya sa direksyon ko. Naupo ako ulit sa kama, habang siya ay may inaasikaso.

May hawak-hawak siyang dahon, hindi ko alam ang tawag doon. Pinagdidikdik niya 'yon doon sa mangkok na gawa sa kahoy gamit ang bato. Pagkatapos ay nilagyan niya ng tubig at dinikdik ulit 'yon do'n.

Nang natapos na ay nilagay niya 'yong katas sa baso. Napatakip pa ako sa ilong dahil napaka-sama ng amoy non. Anong klaseng dahon 'yon? Ang pangit ng amoy!

Lumapit siya sa 'kin, tinaasan ko siya nang kilay nang iabot niya sa 'kin 'yon. Napalayo ako nang kaunti dahil ang tapang talaga ng amoy.

"Inumin mo," sabi niya pero umiling-iling ako. Ano siya si Mama?! 

Pagkatapos ng iling ko agad niyang hinawakan ang ilong ko at sapilitang pina-inom 'yon sa 'kin.

"Makakatulong 'yan sa katawan mo," sabi niya at umalis na nang napainom niya na sa 'kin. Ilang beses akong napa-ubo-ubo dahil sa sobrang pangit ng lasa!

Pinilit ko pang ilabas pero dahil sa pagkabigla nalunok ko agad. Siraulo 'to ah!

"Ibigay mo sa 'kin ang braso mo," seryosong sabi niya kaya binigay ko na lang. Sobrang lamig ng itsura niya. 'Yong mga mata niya parang may galit. Baka tuklawin na lang ako nito.

"Saan ka nanggaling? Bakit ka nasa loob ng kagubatan? Espiya ka ba?" Sunod-sunod na tanong niya. Teka! Teka nga!

"Eh, hindi ko nga alam kung nasaan ako. Tapos itatanong mo sa 'kin 'yan?!" Inis na sigaw ko mas lalo akong sumigaw nang diniinan niya 'yong pagdampi sa sugat ko! Aba!

"Hindi ko gusto ang tabas ng bunganga mo," sabi niya.

"Hindi ka rin naman gusto ng bunganga ko," sabi ko rin na sana hindi ko na lang pala sinabi dahil mas lalo niyang diniinan 'yong kamay niya!

The Cursed Book Where stories live. Discover now