"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko kay Dexter nang nakita ko siyang nagsusulat. Nang natapos ay dinikit niya 'yon sa pintuan ng elevator.
"Ang inyong taga kontrol ay makikipagsaya, kaya maghagdan muna. Nagmamahal pero hindi minahal, guwapong Dexter." Pagbasa ko sa sinulat niya. Napangiwi naman ako dahil sa pagkahangin niya.
"Halikana!" Sigaw niya at biglang tumakbo. Papunta kami ngayon ng palasyo dahil ang sabi nila ay may pagdiriwang daw sa loob ngayong gabi. Galing 'yon kay Kuya George dahil pumunta siya kaninang hapon sa kuwarto. Sinabi niya na magiging pormal ang pagdiriwang ng pasko sa loob ng palasyo kung kaya't inabutan niya ako ng dress. Pinapasabi raw ng Prinsipe na suotin ko 'yon.
Kaya ito, nakakulay pula akong dress. May pagkahaba siya kaya nahihirapan akong maglakad. May pagkataas din ang sandals na inabot sa 'kin ni Kuya George.
Inayos ni Jay ang buhok ko kanina, tinali niya ito nang simple lang. Hindi daw siya magaling doon pero ayos lang dahil sinubukan naman niya. Susunod na lang daw siya maya-maya dahil may gagawin pa raw siya. Hindi ko alam kung ano, medyo nag-iiba na nga ang kilos ni Jay ngayon, e.
Hindi na siya 'yong tahimik minuto-minuto, dinadaldal niya na rin ako. Kung dati walang sagot ang bawat tanong ko pero ngayon napakaraming salita nang lumalabas sa bibig niya. Masaya naman na ako roon dahil may kausap na ako, hindi kagaya rati na parang ako lang mag-isa sa kuwarto.
"Ang ganda," sabi ko at tumingala. Napakaraming desenyo at napakaraming pa-ilaw. Nilibot ko ang tingin sa mga tao, oo pormal nga ang lahat. Napangiti ako dahil ngayon lang ako nakakita nang ganitong bagay, okasyon.
'Yong palasyo parang buong barangay na namin.
Maraming table at halos grupo-grupo lahat. Napapatingin sa 'kin 'yong iba at kumakaway, ngumingiti naman ako sa kanila. Iniisip ko tuloy 'yong sinabi ni Serene sa tindahan ng mga tela, na kalat na raw ang pangalan ko sa loob ng palasyo. Totoo kaya 'yon?
May kalahati sa 'kin na medyo totoo pero kalahating hindi rin kasi paano nangyari 'yon? Hindi naman bonggang-bongga ang kapangyarihan ko, ni-wala nga ako non.
"Binibining Ariella, narito na po pala kayo. Sumama po kayo sa 'kin, dadalhin ko po kayo sa lamesa." Napalingon ako agad kay Kuya George. Nakapormal din siyang suot. Ngumiti ako at sumunod sa kaniya, nakasunod lang din sa 'kin si Dexter.
"Pasok po kayo," sabi ni Kuya George. Sumilip muna ako at nanlaki ang mata ko nang naroon ang Prinsipe, ang Hari, si Dasha, si Ferlly at ang mga iba ay hindi ko na kilala.
"Pasok na," sabi ni Dexter at tinulak pa ako nang kaunti.
"Hindi ka susunod?" Tanong ko. Kinakabahan.
Tumawa naman siya. "Kung puwede lang, kaso.. 'yong Ama ni Dasha ay nariyan, 'wag na lang muna. Alam mo na, hindi pa ako ready." Ngumiti siya nang nakakaloko. Pero kita ko ang pagnginig ng kamay niya. Napatawa na lang ako dahil doon.
"Nakalimutan ko 'yong regalo ko kay Dasha. Babalik ako! Teka lang!" Pipigilan ko sana siya nang bigla siyang kumaripas ng takbo kaya hindi ko na nagawa. Ngumiti naman ako nang may kaba kay Kuya George.
Okay lang, Ella. Makakaharap mo lang naman ulit ang Hari, 'wag kang kabahan. Kalma, kalma. Ikalma mo.
"Nariyan na pala si Ariella." Nang marinig ko 'yon ay para akong nalagutan ng hininga. Ngumiti na lang ako sa kanila, ngumiti rin sila maliban kay Dasha na nasa tabi ni Ferlly.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Van at tumayo pa para alalayan akong umupo sa tabi niya. Tumango ako.
Hinarap silang lahat. Sa bandang gilid ng lamesa ay sina Ferlly, Dasha at ang Lalaking medyo may katandaan na. Kumaway pa sa 'kin si Ferlly kaya nginitian ko lang siya habang ang nasa katabi ni Dasha ay ngumiti rin. Si Dasha naman ay seryoso lang na umiinom.
YOU ARE READING
The Cursed Book
FantasyAriella Crisostomo. Ang Babaeng hindi hilig ang libro at ang mga kwento. Ngunit pa'no kung sa isang pagtapon lamang ng sopas sa isang libro ay mapunta siya sa isang kwento na kapangyarihan at kakayahan ang kailangan? Sa ibang Mundo kung saan marami...