Kabanata 05

90 6 6
                                    

"Araaaayy!" Daing niya pagkatapos kong sampalin ang pisngi niya.

"Ikaw na Iron Man ka! Ba't mo ako dinala rito?!" Sigaw ko at hinampas-hampas ang balikat niya. Sinalag naman niya 'yon gamit ang kamay niya.

"Puwede bang hinaan mo ang boses– araaayy ko!" Hindi ko na siya pinatapos dahil agad na lumapat ulit ang palad ko sa pisngi niya.

"Ibalik mo na ako!" Reklamo ko. Masukal na ang gubat na pinaghilaan niya sa 'kin. Hindi ko rin alam ang daan dahil hindi ko naman 'yon nakita kanina. Pinikit ko lang ang mata ko! At pinagsisihan kong ginawa ko 'yon.

"Ngunit hindi pa sa ngayon, paki-usap, itikom mo muna ang 'yong bibig." Tumaas ang kilay ko. Pagkatapos niya akong hilain agad-agad? Hindi niya ako ibabalik agad-agad??

"Eh gusto ko nang umalis rit–"

Napatigil ako nang takpan na naman niya ang bibig ko gamit ang mabaho niyang kamay. Pesteng Lalaking 'to!

Pinilit kong ikinawala ang palad niya sa bunganga ko at nagawa ko naman 'yon dahil kinagat ko 'yon. Rinig ko ang mahinang pagdaing niya.

"Hindi mo magagawa sa 'kin ang binabalak mo! Style mo bulok!" Sigaw ko.

Tatakbo na sana nang napahinto ako dahil may sumalubong sa 'kin. Tatlo sila.. at balot na balot sila ng itim. Sila na ba? Sila na ba ang mga itim na tao?

Kusang nanginig ang kamay ko nang dahil doon. Ang mga titig pa lang nila kahit hindi ko makita ang mga mata nila pero ramdam ko ang pagbigat ng tingin na 'yon.

Napa-atras ako nang kaunti, hindi alam ang gagawin. Hindi ako makatakbo, para akong nalumpo sa mga titig nila.

Aatras sana ulit nang may maramdaman akong humawak sa pulsuhan ko. Napatingin ako roon at nakita ko si Iron Man. Seryoso ang tingin niya.

"Pagbilang ko ng tatlo.. tumakbo ka." Bulong niya. 

"TATLO! TAKBO!"

Dahil sa taranta napatakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa napagod ako. Nang naramdaman kong medyo nakalayo na ako ay huminto ako sa ilalim ng puno. Hingal na hingal akong kumapit doon.

Ella, ano bang pinasok mo?!

Hindi ko inaakala na gano'n ang presensya ng mga itim na tao. Hindi ko inaakala na tingin pa lang nila natatakot na ako. Hindi ko inaakala na makakaharap ko sila. Hindi ko inaakala na.. mapupunta ako sa ganito.

Umupo ako sa malaking ugat ng puno na 'to. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung saan ba ako dinala ng takbo ko.

Masukal ang kagubatan, walang ding ingay na maririnig. Ni-huni ng ibon, wala. Wala ring hangin pero malamig. Puro puno lang nakikita ko at imposibleng may tao rito.

Napasandal ako nang naalala ko 'yong Lalaki kanina. Ayos lang ba siya? Nakayanan niya kaya 'yong tatlo?

Kahit naman maldita ako, mabait pa rin naman ako.

Kahit kasalanan niya! Siya ang nanghila eh! Hindi kasi tinititigan kung sino ang hinihila. Eksoyted lang?

Napahinga ako nang malalim, hindi ko na alam kung sisisihin ko ba siya o hindi.

Hindi ko na alam kung ilang oras na ako nagpapahinga, tumayo na ako kahit ayoko. Nagugutom na rin ako at mamamatay ako rito sa gutom kung wala akong gagawin. Kape lang kasi 'yong inalmusal ko. Nakakapagsisi!

Nakalakad ako nang maayos dahil sa sapat na pahinga. Nakatulog na ata ako, hindi ko alam. Hay! Basta pumikit lang ako, tapos paggising ko tirik na ang araw.

The Cursed Book Where stories live. Discover now