Kabanata 19

50 4 11
                                    

"Jay!" Sigaw ko at kinusot ang mata. "Anong oras ka naka-uwi?" Tanong ko at tumayo. Inayos ko ang kama ko pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Nagkakape siya at mukhang malalim ang iniisip.

"Jay?" Tawag ko ulit. Kinalabit ko pa siya.

"Jayy!" Sigaw ko mismo sa tainga niya.

Nagulat siya nang kaunti at sa wakas lumingon na rin siya.

"Bakit ba?" Masungit na tanong niya. Mukhang wala siya sa mood. Napangiwi na lang ako at nagtimpla na lang ng kape.

Saan naman kaya pumunta 'tong Apoy na 'to? At pag-uwi, masungit pa rin.

Humigop na ako ng kape at tinignan ang magandang tanawin sa harap. Naririnig kong kumakanta ang mga ibon, magandang hangin at malamig pa. Sobrang gandang umaga.

Ewan ko lang dito sa katabi ko, binangungot ata.

"Saan ka nanggaling, Jay?" Subok na tanong ko. Hinihintay ko kasi siya kagabi nang naka-alis na si Dexter. Hindi pa naman ako inaantok kaya hinintay ko siya, pero wala, eh. Inantok na ako nang sobra, hindi na kaya ng mata ko ang paghihintay.

Ayon naghagdanan tuloy ako kagabi, wala 'yong taga-operate.

"Sa labas," sagot niya. Tumingin ako sa kaniya.

Mukhang seryoso siya kaya balik sa pagkakape.

Tanghali na nang una akong kausapin ni Jay. Sobrang tahimik niya kanina, sobrang sobra. Parang may nagzipper ng bibig niya sa sobrang tahimik. Hindi naman din ako nagsalita dahil alam kong susungitan niya lang ako. Pinaglihi rin yata siya sa takure eh, o sa sama ng loob.

"Ang pinagdamitan natin ay ikaw na ang magbaba," sabi niya at binuksan 'yong basket doon. Naroon pala ang lahat ng damit namin at hindi pa nalalabhan.

Napangiwi ako nang isang damit na lang ang natitira sa damitan ko. Lahat kasi ng binili ni Jay ay nagamit ko na at hindi pa pala nalabhan ito. Isang damit na lang ang meron ako at ayon 'yong pinahiram sa 'kin ni Jay na kulay dilaw na dress at walang manggas.

Inabot niya sa 'kin 'yong basket pagkatapos niyang ilagay 'yong pinaggamitan niyang damit kahapon.

"Nasa ikalawang gusali at sa likod nito ang labahan ng mga damit. Naroon si Ginang Morgan, kausapin mo siya nang maayos dahil may pagkasungit ito. Ibigay mo ito sa kaniya," sabi niya at inabot sa 'kin 'yong bato.

"Isabay mo na rin 'tong mga plato na pinagkainan natin at huwag mong kalilimutang magpasalamat kay Ate Gema," sabi niya at pinatong 'yong plato sa basket na hawak-hawak ko.

"Ako na ang bahalang maglinis ng kuwarto," sabi niya. Aangal pa sana ako pero narinig ko 'yon. Mabilis kong binulsa 'yong bato at tumango sa kaniya.

Dala-dala ko 'yong basket palabas. Habang naglalakad ay may ngumingiti sa 'kin kaya ngumiti na lang din ako sa kanila. Feeling ko tuloy lahat sila kilala ako, ang friendly nilang lahat.

"Dexteerrr!" Sigaw ko nang tumaas na ang elevator. Sumilip naman siya sa 'kin pagkatapos ay bumukas na ang pintuan.

"Magandang tanghali. Mukha yatang maganda ang tanghali mo ngayon," sabi niya at tumawa. Ngumiwi naman ako.

"Wala naman, bawal bang maging masaya?" Tanong ko.

"Ngunit ang pagiging masaya ay may kakambal na kalungkutan." Napatigil naman ako roon.

"Sa Itay mo rin ba 'yan nalaman?" Tanong ko ulit.

"Hindi, sa Inay ko na," sagot niya at mahinang tumawa. Ngumiti naman ako kahit na may kung anong tumusok sa puso ko nang narinig ko ang sinabi niya.

The Cursed Book Where stories live. Discover now