Kabanata 40

21 2 17
                                    

"Ariella! Huhu! Akala ko'y mamatay na 'ko!" Iyak ni Dexter nang kalagan ko siya sa pagkagapos sa kaniya. Binigay ko sa kaniya 'yong duplicate ng susi para makatulong din siya na kalagan ang iba. Mabilis kong tinanggal ang gapos ni Jay sa kamay.

Napa-iling ako nang hindi ko alam kung paano tanggalin ang nasa mata niya.

"Ariella, ayos ka lang ba? Wala bang nangyaring masama sa 'yo? Bakit ka naririto? Sino'ng kasama mo papunta rito?" Sunod-sunod na tanong niya nang kalagan ko siya. Abala ako sa pag-iisip kung paano tanggalin ang bakal na nasa mata niya.

"Ariella, sumagot ka." Medyo may diin ang pagkakasabi niya non.

"Ang dami mo naman kasing tanong, alin doon ang sasagutin ko?" Singhal ko. Pero ang totoo ay hindi ito ang oras na sasagutin ko ang tanong niya. Kailangan na naming makalabas dito.

Napalingon ako kay Dexter na abala sa pagtatanggal ng gapos ng mga kawal. Hindi kami maaaring sumugod nang ganito lamang kaunti ang hukbo namin. Ang iba ay sugatan pa at nanghihina. Kailangan naming makalabas kaagad.

"Handa na ang lahat," sabi ni Dexter nang nakalagan na niya lahat. Napatango ako at inalalayan na lamang si Jay na maglakad. Hindi ko kayang tanggalin ang bakal na nasa mata niya, wala ring susi-an para doon.

Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa 'kin ang lahat ng sinabi niya. Alam kong may alam siya ngunit itinatago niya 'yon. Gusto kong magtanong, ngunit sa tingin ko ay hindi ngayon. Isinantabi ko na lamang 'yon at piniling lumabas na lang ng pintuan.

Pero napatigil ako nang masalubong ko si Lion. Naka-bihis kawal pa rin siya ngayon.

"May sekretong daan sa pinanggalingan niyo kung kaya't do'n tayo dadaan. Maraming itim na tao sa harapan kung kaya't delikado tayo roon," sabi niya. Napa-urong naman kami at isinara ang pintuan.

"Grabe namang maka-disguise 'yang suot mo, Ginoong Lion." Tawa ni Dexter. Napatingin naman si Lion sa kaniya.

"Buhay ka pa pala." Buwelta ni Lion kaya natahimik si Dexter. Nang tumingin siya sa 'kin ay parang nanghihingi siya ng tulong.

"Sino ba 'tong hawak-hawak mo, Bunso? Galing ng nasa mata niya ah. May sakit ba 'yan?" Tanong ni Lion at itinuro si Jay.

"Manahimik ka, Frestellio." Nakita kong nanlaki ang mata ni Lion. Kulang na lang ay lumuhod siya para humingi ng tawad kay Jay.

"Umalis na tayo bago pa tayo maabutan," sabi ko. Naunang naglakad si Lion dahil alam niya kung saan 'yong tinutukoy niya. Hinila niya 'yong nakahigang malapad na square na kahoy na nasa damuhan. Dahil malakas siya ay nagawa niya 'yon nang walang kahirap-hirap. May maliit na hagdanang do'n na gawa sa kahoy.

Ako na ang unang bumaba pagkatapos ay inalalayan ko si Jay. Sumunod si Dexter at ang iba pa pang mga kawal at sumunod naman si Lion na siyang nagsara.

Napatingin ako sa daraanan. Isa itong underground na daanan. Agad kong hinawakan sa braso si Jay at nagsimula nang maglakad.

"Namataan mo ba si Almira at Mang Arthuro?" Tanong ko kay Lion. Kaya siya hindi sumama sa 'kin dahil napag-usapan namin na maghiwalay. Siya ang magmamanman ng paligid.

"Hindi, Bunso. Nilibot ko na ang lahat ngunit wala."  Tumango na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung babalik ako roon sa loob ay baka wala rin akong makita. Hindi rito dinala ni Binibining Erine si Almira. At saan naman kaya?

"Narito si Ginoong Arthuro at Almira?" Tanong ni Jay. Tumango naman ako at sinabi ang lahat ng nangyari sa loob ng palasyo.

"Una na pa lamang ay duda na talaga ako sa Babaeng 'yon. Lagi ko siyang nakikitang lumalabas tuwing gabi at bigla-bigla na lamang mawawala sa dilim." Napa-isip naman ako. No'ng gabi ay nakita ko rin siyang nasa labas. Hindi kaya kasapi rin siya ng mga itim na tao? Ngunit.. kalaban ng pamilya niya ang itim na tao. Imposibleng talikuran niya 'yon.

The Cursed Book Where stories live. Discover now