Kabanata 25

33 3 9
                                    

"Sabi ko naman sa 'yo, eh. Maaga kang mabro-broken hearted doon kay Ginoong Hanz," sabi ni Dexter at sinabayan akong maglakad.

"Eh bakit kasi hindi mo sinasabi na may girlfriend na siya?!" Inis na tanong ko. Lukot na lukot ang mukha ko dahil sa nalaman ko ngayon. Pero ang ipinagtataka ko lang ay hindi ako nasaktan.

"Binibini, ang alam ko lang sa kanila ay gusto nila ang isa't isa. Pero hindi ko naman alam na magkasintahan na pala sila. Kaya't hindi ko na lamang sinabi sa 'yo." Pangangatwiran niya.

"Ayos lang 'yan.. may iba pa naman katulad ni Pri–" Napatigil siya. "Ang sarap ng Pritong isda nila, natikman mo ba kanina?" Napa-huh naman ako dahil sa mabilis niyang pag-iba ng usapan. Pero dahil lutang pa ang utak ko ay hindi ko na inisip 'yon.

Naglalakad kami ngayon ni Dexter para sana hanapin si Dasha. Ito kasing Dexter na 'to ay sobrang kulit, gusto niya raw makita si Dasha. Kung saan na kami nakarating pero wala pang Dasha ang lumalabas. Si Van naman ay umalis, hindi ko alam kung saan siya pupunta. Sinundo lang siya ni Kuya George at saktong pumunta si Dexter sa Hardin. May binulong pa nga si Van kay Dexter kanina at pagkatapos non ay inaya na ako ni Dexter na hanapin si Dasha.

"Ate Ariella!" Napalingon ako agad dahil narinig ko ang sigaw ni Almira. Agad siyang kumaripas ng takbo sa 'kin. Lumuhod naman ako para mapantayan siya.

"Maligayang Pasko po, Ate Ariella!" Sigaw niya at niyakap ako mula sa leeg. Nang natapos na ay kumawala na rin agad siya at may kinuha sa bulsa.

"Regalo ko po, Ate Ariella," sabi niya at binigay sa 'kin hairpin na bulaklak ang design. Ngumiti ako at kinurot ang pisngi niya.

"Salamat, Mira," sabi ko. Bigla kong naalala ang tatlo kong kapatid. Ganito rin sila no'ng nakaraang pasko, hairpin ang binigay nila sa 'kin. Nag-ambagan pa silang tatlo ang sabi ni Mama para daw mabili 'yong hairpin. Sakto dahil may pera naman sila roon sa pamamasko.

"Ikaw? Gusto mo rin?" Tanong ni Almira kay Dexter.

"Almira, magpo at opo ka," sabi ko nang hindi siya gumamit non.

"Po? Pero parehas lang po kami ng laki." Inosenteng sabi niya kaya napa-awang ang labi ko. Paano ko ba 'to ipapaliwanag?

"Ayos lang! Mahilig ako sa bata! Guwapo naman 'di ba?" Tanong ni Dexter at bahagyang inayos ang buhok. Natawa naman si Almira at lumapit kay Dexter. Sinuot ni Almira 'yong hairpin sa buhok ni Dexter.

"Ayon hihi, bagay po. Guwapo!" She giggled.

Siniko ako ni Dexter. "Sabi ko sa 'yo, e. Guwapo," sabi niya at tumawa na proud na proud sa sarili.

"Nauto mo lang 'yong bata."

Nginusuan niya ako kaya natawa na lang ako roon. Tumayo na ako para harapin 'yong kasama ni Almira. Siya 'yong Babae na katabi ni Almira sa lamesa kanina.

"Magandang gabi po, Binibining Evine." Bati ni Dexter at napayuko pa. Nanlaki naman ang mata ko at agad ding yumuko.

"Magandang gabi po, Binibining Evine." Bati ko. Siya pala 'yong Evine! Waaahh! 'Yong kapatid ni Van!

"Magandang gabi rin. Nalulugod akong nakilala ka, Binibining Ariella." Seryosong sabi niya kaya napalunok ako. I mean, maayos naman ang sinabi niya pero 'yong tono! Ay jusmeyo!

"Ako rin po," sabi ko at ngumiti nang may pagkatamis.

"Pasok," sabi niya. Nakarating na pala kami sa kuwarto nila Almira. Pumasok kami roon at ngayon lang ako nakapasok. Maganda ang loob, malinis at mukhang mayaman ang dating. Kumpara sa kuwarto ni Van na simple lang ang ayos. Walang litrato ni-isa ang nasa loob, kahit nga frame ay wala.

The Cursed Book Where stories live. Discover now