Kabanata 15

55 4 12
                                    

"Anak ako ng Nanay ko, ikaw ba?" Natatawang sabi ni Lion at tinuro si Dexter.

"Oo naman, Anak ako ng Nanay ko." Hirit ni Dexter at humalakhak din. Kanina pa ako naririndi sa kanilang dalawa habang naglalakad papasok sa elevator.

"Baka si Ariella, hindi!" Sigaw ni Lion at sinabayan ng malakas na pagtawa. Gusto kong kumalma dahil ayokong madagdagan na naman ang kahihiyan ko sa librong 'to.

Nagpa-iwan si Jay sa loob ng palasyo at gano'n din si Ferlly dahil may pagpupulong silang gagawin. Hindi ko lang alam kung tungkol saan dahil hindi na rin ako nagtanong kay Ferlly at Jay dahil sa kahihiyan.

Nanatili akong tahimik kanina hanggang sa nakapunta kami ng elevator kahit na timping-timpi na akong pagbuhulin ang ulo nilang dalawa dahil sa pang-aasar nila.

"Anak ako ng Nanay ko! Woohhh!" Napahinga ako nang malalim. Talagang ginawan nila ng kanta.

"Anak ako, Anak ako, Anak ako, ng Nanay ko." Singit ni Dexter, napapikit na lang ako dahil sa sobrang inis.

"Anak ka ba ng Nanay mo?" Si Lion.

"Oo! Oo!" Kanta ni Dexter.

"Eh kung ibalik ko kayong dalawa sa sinapupunan ng Nanay niyo?" Sinamaan ko sila ng tingin. Pero tumawa lang sila. Punyeta 'tong mga 'to!

Hindi ko na lang sila pinansin at hinayaan na lang. Bahala sila malagutan ng hininga riyan kakatawa.

Bumukas na 'yong elevator sa 4th floor. Sumabay naman sa 'kin sina Yeon at Lion habang naiwan naman si Dexter sa loob.

"Paalam, Nanay ko!" Sigaw niya. Aambahan ko sana ng suntok kaya lang nagsara na 'yong pinto ng elevator.

"Bunso, hindi babagay sa isang Binibini ang panununtok." Tinignan ko si Lion.

"Sinong nagsabing Binibini ako?" Tanong ko at hinarap sa kaniya 'yong kamao ko. Tumaas naman ang dalawang palad niya.

"Sabi ko nga, hindi," natatawang sabi niya. Binaba ko na ang kamao ko at gano'n din ang dalawang palad niya. Pakiramdam ko, ang init na naman ng ulo ko.

"Paalam, Bunso! Bukas ulit!" Ayon ang huling sabi niya bago sumunod kay Yeon sa loob. Gabi na rin at lubog na lubog na ang araw.

Hindi pa rin ako maka-move on sa inasal ko kanina, paano kung hindi nagustuhan nong Hari 'yong ginawa ko? Ella, napakalapastangan mo!

Binuksan ko na 'yong pinto at agad sinara 'yon. Sinubsob ko ang katawan ko sa kama, pagod na pagod na ang katawan ko sa kahihiyan na ako mismo ang gumagawa.

Bakit pa kasi sa dinarami-rami ng makikilala at matatagpuan ko ay galing pa sa palasyo?

Natampal ko ang noo ko, napaka-malas ko sa librong 'to.

Kung dati hinihiling ko na magtagal pa ako rito ay parang ayoko na. Gusto ko nang bumalik.. para namang walang saysay ang pagpunta ko rito. Para saan pa na nandito ako? 

Napatayo ako nang may narinig akong kumatok. Tumayo ako at akmang lalabas na sana nang napatigil ako dahil sa narinig akong mga Bata.

"Marami pang gagawin ang Mama, ipagbukas na lang ng gabi natin 'yan." Rinig kong sabi ni Ate Gema.

"Pero, Ina.. ngayon lang po 'yon lalabas mamayang gabi." Rinig ko ring sabi ng isang Batang Lalaki.

"Opo Ina at hindi po namin alam kung mauulit po muli 'yon. Sige na po, Ina, ayaw po naming hindi matignan 'yon." Dinig kong sabi ng Batang Lalaki.

"Pasensiya na mga Anak, ngunit hindi sa ngayon. Marami pa akong gagawin para sa oras na gusto niyo."

Binuksan ko 'yong pinto, hindi ako nagkakamaling mga bata sila. Mga pitong taong gulang pa lang sila. Nakayuko silang dalawa dahil siguro sa hindi pinayagan.

The Cursed Book Where stories live. Discover now