Kabanata 33

29 1 4
                                    

"Mawalang galang na, Mahal na Hari. Ngunit hindi natin maaaring sugurin ang mga itim na tao. Marami sila, at rumarami pa. Mas mauubos tayo kung magpapadalos-dalos tayo sa 'ting gagawin." Napalingon ako sa Lalaking may balbas. Sa tingin ko ay isa siya sa mga kasama rito sa pamununo ng palasyo. Nakita ko na rin siya minsan pero hindi ko siya pinapansin.

"Isa pa, napagkaalaman kong nauubos na po ang 'yong mga kawal dahil sa mga lihim na pagsalakay ng mga itim na tao sa loob ng palasyo nang walang sino mang nakaka-alam. Hangga't saan niyo ho ito itatago sa lahat ng mga tao na narito?" Napanganga ako dahil sa narinig ko.

Nauubos na ang mga kawal ng palasyo? At nakaka-pasok sila sa loob, pero paano? Alam kong mahigpit ang mga narito sa loob. Puwera na lang kung may iba silang teknika.

"Kung maghihintay pa tayo ng maraming araw at pababayaan sila ay baka maubos tayo bago tayo makalaban sa kanila." Nagulat ako nang biglang lumitaw si Ira sa pintuan.

"Lumalakas ang puwersa ng mga itim na tao. At galing na sainyong bibig Ginoong Hildago na rumarami sila. Hahayaan niyo bang dumami sila habang tayo ay unti-unting na-uubos?" Desidido siyang sabihin 'yon. Parehas na parehas talaga sila ng Ate niyang magsalita. Ayon na siguro ang pinaka the best na pinagkapareha nila. Ang maging matapang na Babae.

"May punto ang 'yong sinabi Ginoong Hidalgo, subalit mas tama ang ipinahiwatig ni Binibining Ira. Kailangan na nating maghanda, sapagkat hindi natin alam kung kailan sila sasalakay." Pagsasang-ayon ng Hari na naka-upo sa pinaka-dulo ng mesa.

"Ginoong Fredo, inaatasan kitang buoin muli ang 'yong pangkat." Tumayo 'yong tinawag niya na Lalaki at yinuko ang ulo. "Ginoong George, kailangan ko rin ng tulong mo." Tumayo si Ginoong George at yinuko rin ang ulo.

"Lahat ng gustong sumama sa pagsalakay ay ilista mo, hindi kasama roon ang mga kawal. Lahat ng mga nasa kuwarto ay tanungin mo sila kung nais nilang sumama. At ang mga magpapa-iwan ay sila ang magiging bantay sa palasyo." Tumango-tango si Kuya George. "Masusunod, Mahal na Hari."

"Binibining Venny, pakibigyan ng liham si Ginoong Labaro na kung puwedeng hiramin lahat ng mga kabayo na kanilang alaga sa bukirin. Magsama ka ng tatlumpong kawal na sasama sa 'yo sa paglalakbay mo papunta roon." Yumuko rin si Binibining Venny sa kaniya. "Ayon lang muna sa ngayon ang pagpupulong na ito. Maaari na kayong umalis," sabi niya. Sumang-ayon ang lahat at sabay-sabay na lumabas ng silid. Akmang aalis na rin sana ako nang narinig ko ang sinabi niya.

"Maliban kay Binibining Ariella." Napakurap-kurap ako at walang nagawa kung hindi umupo ulit. Ilang segundo ang nakalipas bago naging tahimik ang buong kuwarto. Napatingin ako sa Hari, apat na upuan ang pagitan namin.

"Kumusta ka, Binibini? Nabalitaan ko ang nangyari kay Manang Gema, ikinalulungkot ko ito." Napayuko ako.

"Maayos po ang aking kalagayan, Mahal na Hari. Maging ako po ay nalungkot sa nangyari dahil napalapit na po ang loob ko sa kaniya." Pakiramdam ko tutulo na naman ang luha ko pero pinigilan ko dahil ayokong umiyak sa harap ng Hari. Dagdag hiya lang 'yon, dadagdagan ko pa ba kahihiyan ko?

"At gusto ko ring humingi ng tawad. Kasalanan ko kung bakit ka nila dinakip. Ako kailangan niya, ang buhay ko. At sa oras na makuha niya 'yon, tiyak na siya ang magiging sunod na Hari. Pamumunuan niya ang dalawang palasyo at paniguradong akong maghahasik siya ng dilim sa mga tao," saad niya at ipinikit ang mata. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. 'Yong Hari ng mga Ninja turtles. Hay, kampon din 'yon, e.

"Ngunit, hindi po ba dapat si Van ang susunod na maging Hari dahil siya ang inyong Anak?" Tanong ko. Hindi ba 'yon dapat? Kasi napapanood ko ay gano'n ang nangyayari.

"Ang pinaka-batas dito no'ng binuo ang palasyo na ito ay ang dapat na maging sunod na Hari pagkatapos mamatay ng dating Hari ay ang kapatid nitong Lalaki." Napanganga ako nang kaunti. Nagprocess muna 'yon sa utak ko bago ko nagets.

The Cursed Book Where stories live. Discover now