Kabanata 04

90 7 10
                                    

"Ariella?"

Napatingin ako kay Jay na nasa tabi ko.

"Ba't parang sinapak ka sa mukha?" Tanong niya at hinawakan 'yong pisngi ko. "Ba't parang naging unggoy ka?" Inis kong tinanggal 'yon at bumalik na ulit sa paghahalo ng kape.

Grabe 'yong kape nila rito! Barakong-barako! Pero hindi tumatalab sa 'kin, inaantok pa rin ako.

Hindi ako nakatulog kagabi. Magdamag na bukas ang mata ko dahil sa mga nalaman ko. May mga hindi pa rin ako naintindihan at pilit pa ring tumatanong sa utak ko. Pero may isa akong naintindihan at tumatak 'yon sa isipan ko.

"Ella.. nasa loob ka ng libro, nasa loob ka ng isang kwento."

Mahirap paniwalaan, pero parang totoo. Kaya pala kakaiba 'tong mundo na 'to. Hindi lang ito karaniwang mundo, mundo 'to kung saan nagkalat ang mga taong may kakayahan at kapangyarihan.

Sumasakit ulo ko!

Pero may isang tanong na bumabagabag sa utak ko.

Ano namang title ang kwentong 'to?

Powerful humans?

Hinigop ko na lang 'yong kape habang nakatingin doon sa labas ng bintana. Kitang-kita ko ang nagsisi-taasang mga puno at pa-akyat na araw.

Pangalawang araw ko sa mundong ito este—librong ito.

Speaking of ngayon. Pasko na nga pala roon! Dito ba? Pasko na rin?

Mabilis akong tumingin kay Jay na humihigop din ng kape. Tumingin din siya sa 'kin, muntik pa nga niyang madura 'yong kapeng iniinom niya dahil malapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Pasko ba ngayon?" Tanong ko na mali pala. Dapat kung anong araw ngayon, hay, Ella. Ang bonak mo.

Babawiin ko sana nang bigla niya agad 'yong sinagot.

"Sa susunod na linggo pa ang pasko," sagot niya kaya napanganga ako.

"Ano bang araw ngayon?"

"Kung hindi ako nagkakamali, disyembre ika-18 pa lang."

Mas lalong lumaki ang pagnganga ko. Ano 'yon? Late sila ng isang linggo sa Pilipinas???

Kakaibang libro 'tong pinasukan ko!

Tinapos ko na ang pagkakape at sinilid na 'yong baso habang tulala pa rin. Parang hindi umepekto 'yong kape sa katawan ko.

"Aray!" Sigaw ko nang may kung sinong pumitik sa noo ko. Nang tignan ko 'yon ay si Jay na naka-taas ang kilay.

"Kanina pa kita kinakausap, sasama ka ba o hindi?" Sigaw niya. Hinawakan ko naman 'yong noo ko, ang sakit niya mamitik ah! Ba't parang kanina lang concern siya sa 'kin?

"Saan ba?" Tanong ko habang hawak-hawak pa rin ang noo.

"Sa labas ng palasyo," sagot niya habang inaasikaso 'yong gamit. "Kung sasama ka, maligo kana." Mabilis niyang hinagis sa 'kin 'yong tuwalya.

Wala naman akong nagawa kundi pumasok na sa loob dahil sobrang seryoso ng tingin niya. Inayos ko na ang sarili ko roon. Dinala ko na rin 'yong pekening dress nila.

Para namang nabuhayan ako sa lamig ng tubig at hindi sa kape. Ang lamig! Parang yelo!

Saglit lang ako naligo at binalot na agad ang sarili sa tuwalya sa sobrang kalamigan. Doon na rin ako nag-ayos ng damit. Lumabas ako na gano'n. Napasimangot ako nang hindi ko type 'yong suot ko. Feel ko hindi ako makakakilos nang maayos.

"Ganito ba talaga ang sinusuot niyo?" Nakangiwing tanong ko kay Jay. Inabot ko sa kaniya 'yong tuwalya. Pero bago pa man siya pumasok sa loob ay sinagot niya muna ang tanong ko.

The Cursed Book Where stories live. Discover now