Kabanata 09

47 5 14
                                    

Nasa dulo ako ng bench naka-upo habang 'yong Lalaking nakamaskara naman ay nasa dulo rin. Habang si Selion ay nasa gitna.

"Gusto ka ni Selion kaya gusto ka rin niyang ikaw ang mag-alaga sa kaniya. Be his Mom." Napapikit na lang ako dahil kanina pa ako pinipilit ng Lalaking 'to.

"Hindi nga puwede. May kasama ako sa kuwarto at baka ayaw niya ng mga Aso. Edi patay si Selion niyan," sabi ko. Kung kilala niya lang si Jay, nangsusunog 'yon.

"Anong pangalan niya? Kakausapin ko siya mamaya," sabi niya kaya napahawak ako sa noo ko.

"Lian Jay Dorient." Pagbanggit ko ng pangalan ni Jay.

"Isa sa mga matapang na Babae." Napatingin naman ako sa kaniya. Tumango-tango ako. Totoo naman ang sinabi niya, matapang si Jay. Pero teka nga, paano niya nalaman?

"Kung makikita niya si Selion, hindi siya magagalit. Basta sabihin mo na lang sa kaniya na ikaw ang bagong tagapag-alaga ni Selion." Muli kong sinapo ang noo ko.

"Ba't ang kulit mo? Hindi nga puwede."

"I'll give you money everytime you'll take care of Selion." Nagningning ang mata ko. Pera? Money raw. Omyghad, hindi na ako hihingi kay Jay.

"Okay okay, deal, deal," sabi ko at ngumiti sa kaniya. Agad niyang kinarga si Selion at pinakarga sa 'kin.

"Simula ngayon. Pakibalik na lang siya ng umaga rito rin sa loob ng hardin." Napanganga ako dahil doon.

"Ano? May nagmamay-ari nitong Asong 'to," sabi ko na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad.

"That's mine, idiot." Nagsimula na naman siyang naglakad. Teka, tinatawag niya ba akong idiot?

"Hoy teka!" Sigaw ko at tumayo na karga-karga si Selion.

"Paano kung mamatay siya sa puder ko?" Tanong ko sa kaniya. Totoo naman, eh. Pabaya pa naman ako minsan. Tumigil naman siya at lumingon sa 'kin.

"May kapalit." Kumunot ang noo ko.

"At ano naman?"

"If Selion die, be my Wife." Napakurap-kurap ako dahil doon. Siraulo? Siraulo ba siya???

"Hoy!" Sigaw ko pero hindi na siya lumingon. Bumaba ang tingin ko kay Selion na tulog na. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi naman niya seseryosuhin 'yon 'no?

Dinala ko na lang palabas si Selion, hindi ko alam pero pinagtitinginan ako ng mga tao.. ay si Selion lang pala. Tinakpan ko si Selion gamit ang kamay ko.

Ako Ina nito! Lumayo kayo!

Niyakap ko siya dahil lumalakas na ang hangin. Agad akong pumasok sa loob ng elevator nang nagsilabas na ang tao.

"Nakahanap na siya." Napatingala ako dahil sa boses ni Dexter. Nakasilip siya at nakatingin ata sa 'kin o sa Asong hawak-hawak ko.

"Anong sabi mo?" Tanong ko. Kita ko namang umiling siya at kasabay non ang paggalaw ng elevator. Nagkibit balikat na lang ako.

Hanggang sa bumukas na ang elevator, nagwave ako kay Dexter at ngumiti naman siya. Masaya kong tinahak 'yong hallway. May mga taong nasa labas na napapatigil at titingin sa 'kin at ibaba ang tingin kay Selion. Hindi ko na lang sila pinansin kasi baka nacu-cutan lang sila.

Akmang maglalakad na sana nang napatigil ako. Biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang nakita ko ang apoy sa mata ni Jay na nakatitig sa 'kin.

Play dead, Ella! Play dead!

"SAAN KA GALING?!– Selion?" Tatakbo na sana para iligtas ang buhay ko nang bumaba ang boses niya habang nakatingin kay Selion.

Anak ko 'to, layo Jay.

The Cursed Book Where stories live. Discover now