Napamulat ang mata ko, agad akong nag-inat at umupo sa higaan. Sinilip ko ang bintana, bagong umaga. Hindi ko alam ngunit lutang pa rin ang utak ko ngayon. Dahil 'yon sa sinabi ni Lola... kinakabahan ako para do'n. Pilit 'yong promoproseso sa utak ko, may naiisip na 'kong posibleng ayon ang ibig sabihin niya ngunit bumabalik ako sa salitang imposible.
"Magandang umaga." Napalingon ako sa pintuan. Lumabas do'n si Van, sumingkit ang mata niya kung kaya't alam kong nakangiti siya ngayon. "Your hair suits you."
Napakurap-kurap ako at hinawakan ang buhok. Alam kong gulo-gulo 'yon ngayon pero hindi naman niya kailangang purihin. Ako lang naman 'to. Char!
"Gusto mong lumabas?" Tanong niya. Napansin niya yatang kanina pa 'ko nakatitig sa bintana.
"Oo sana... puwede ba?" Gusto kong makalanghap ng simoy ng hangin.
"Maaari. Ngunit sa tingin ko ay sa bintana tayo dadaan, dahil masikip ang nasa harapan. Mai-isturbo natin ang natutulog do'n," sabi niya habang nakangiwi. Napakurap-kurap naman ako. Ibig sabihin naging sardinas sila sa sala habang ako nakahiga sa kama mag-isa?!!
Gano'n nga ang ginawa namin. Sa labas kami dumaan. Inalalayan niya pa 'kong makadaan doon. Bumalik na ang sigla ko, hindi ko alam kung paano. Siguro ay nakulangan lamang ako sa tulog kung kaya't no'ng nagising ako ay bumalik ang lakas ko.
Napatingin ako sa kamay naming dalawa ni Van. Magkahawak pa rin 'yon ngayon. Kumabog na naman ang dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang kamay. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko sa kaniyang magkahawak pa rin ang kamay namin! Napa-ikot-ikot ang mata ko.
"Anong problema, Eya?" Tanong niya. Nilinis ko ang lalamunan ko at pagkatapos ay nginuso 'yong magkahawak naming kamay. "Ahh... patawad." Tinanggal niya kaagad ang kamay niya. Umiwas ako ng tingin.
"Sabi ni Ginoong Labaro ay may puno raw rito na maaari nating pagtambayan. Naroon lamang 'yon. Gusto mo bang pumunta?" Tanong niya. Tinignan ko naman 'yong tinuro niya. Tumango ako.
Agad kaming naglakad papunta roon. Tama ngang may puno roon at meron ding duyan. Mabilis akong pumunta roon at umupo. Dinuyan ko nang kaunti ang katawan ko. Awtomatikong akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin.
Nagulat ako nang may naramdaman akong tumutulak sa likuran ko dahilan upang mas lumalakas pa ang pagduyan. Tumingin ako roon at nakita ko si Van na nakangiti. Nakatanggal ang maskara. Kumabog na naman nang mabilis ang puso ko. Mabilis akong umiwas ng tingin habang nakahawak sa dibdib ko. Bakit gano'n na lamang ang epekto ng ngiti niya sa 'kin?
Napa-iling-iling ako nang naisipan ko na baka nga gano'n na lang dahil kinulam niya 'ko. Pero hindi naman 'yon magagawa ng isang Prinsipe! 'Tsaka, good boy si Van. Medyo hindi mo lang siya mage-gets minsan.
Ilang minuto ang nakalipas bago humina na nang kaunti ang pagduyan. Binaba ko na rin ang paa ko para mapigilan kaagad. Naka-upo si Van sa malaking ugat ng puno. Kaunting katahimikan ang bumalot sa 'ming dalawa. Tanging huni lamang ng ibon ang naririnig ko at marahang tunog ng hangin. Para 'yong sumisipol.
"Hilig ni Ina ang mga puno." Napalingon ako sa kaniya. Nakatingala siya ngayon sa taas. "Naalala ko no'ng Bata pa lamang ako ay sinabi na niyang ang mga puno ay mahalaga sa kalikasan. Nagbibigay ito sa mga tao ng sariwang hangin. Kung kaya't, kung gusto mong makahinga sa sariwang hangin ay dapat pangalagaan ang mga puno. At kung maaari ay magtanim na rin." Ngumiti siya, ngunit may nakita akong lungkot sa kaniyang mga mata.
Napadako ang tingin niya sa ibon na dumapo malapit sa kaniyang tabi. "Nasaan na kaya si Evilinia." Rinig kong bulong niya.
"Evilinia?" Tanong ko. Kapangalan 'yon nong ibon nong Babae na lagi na lang umaano sa 'kin. Hindi ko malilimutan ang pangalan ng ibon na 'yon 'no. Ibabarbeque ko 'yon, e.
YOU ARE READING
The Cursed Book
FantasyAriella Crisostomo. Ang Babaeng hindi hilig ang libro at ang mga kwento. Ngunit pa'no kung sa isang pagtapon lamang ng sopas sa isang libro ay mapunta siya sa isang kwento na kapangyarihan at kakayahan ang kailangan? Sa ibang Mundo kung saan marami...