Kabanata 22

40 5 5
                                    

"Ariella po ang pangalan ko, masaya po akong makilala ka," sabi ko at nakipagkamay sa kaniya. Ngumiti naman siya nang tipid. Pamilyar siya sa 'kin dahil siya 'yong nabangga kong Babae na siya pa ang nagsorry sa 'kin, hindi ko alam kung limot na niya ba 'yon.

"Thery ang pangalan ko, ang Ina ni Dexter." Lumaki kaunti ang mata ko. Ina niya? Wuut! Pero hindi siya maliit.. normal ang height niya, paanong..

"May ipaglilingkod po ba ako sa 'yo, Mahal na Prinsipe?" Tanong niya kay Van at nagbigay ng galang.

"Wala naman Ginang Thery, nakikiramay lang po kami sa 'yong Asawa," sabi ni Van kaya nawala ang ngiti ni Ate Thery. Napalitan 'yon ng lungkot.

"Maraming salamat, Mahal na Prinsipe. Ikinalulugod kong dumayo kayo rito. Nasa payapang lugar na ang aking Asawa." Yumuko siya sa harap ni Van.

"May gusto ba kayong kainin? Ipagluluto ko kayo," sabi niya at akmang aalis na sana nang magsalita ang maliit.

"Gusto raw po ni Ariella na tumulong sainyo, Inay." Nilakihan ko nang mata si Dexter. Tumawa naman siya at nakitawa na rin ng palihim 'yong dalawa.

"Sige, ayos lamang. Sumunod ka sa 'kin, Hija." Tumango ako kay Ate Thery nang pilit. Bago sumunod ay sinamaan ko na muna silang tatlo.

Maliit na kusina ang bumungad sa 'kin pero malinis ito. Lahat ng mga bagay ay gawa sa kahoy. Maging ang paggamit sa pagluto ay kahoy rin. Depende na lang doon sa paglulutuan.

"Dito ka," sabi niya at tinuro ang tabi niya. Nahinto na pala ako sa pintuan. "Paghiwalayin mo na lang ang dahon na ito," sabi niya at binigay sa 'kin 'yong parang malunggay pero hindi 'yon basta-basta malunggay. May pagkaka-iba.

Sinunod ko ang sinabi niya. Tinanggal ko 'yon sa sanga at tanging dahon lang ang kinuha ko. Nang natapos ay inabot ko na sa kaniya 'yon. Habang siya naman ay may hinahalo sa harap ng apoy. Amoy pa lang masarap na!

"Ka-ano ano mo si Dexter?" Tanong niya.

"Kaibigan ko po," sagot ko. Tumango-tango naman siya.

"Ka-ano ano mo ang Prinsipe?" Tanong niya ulit.

"Kaibigan? Kaibigan." Ngumiti ako. Tinignan niya ako ng may pagsusuri.

"Kaibigan." Ulit niya sa sinabi ko. Napakurap ako. Ba't parang hindi siya naniniwala?

"Luto na," sabi niya nang magsasalita na sana ako. Akmang dadalhin na sana niya nang nagpresinta na akong ako na ang maglalagay. Nilapag ko 'yon sa lamesa.

Akmang aalis sana ulit si Ate Thery nang pinigilan ko siya. Ngumiti ako at pina-upo siya sa upuan. "Ako na pong kukuha," sabi ko at kumaripas ng takbo roon sa lagayan ng mga kubyertos.

Nilapag ko 'yon sa lamesa, habang si Ate Thery ay titig na titig sa 'kin.

"Bakit po?" Tanong ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko at pina-upo sa katabi niyang upuan.

"Naalala ko lang sa 'yo ang sarili ko, Hija." Ngumiti siya. "Ganiyan na ganiyan din ang enerhiya ko kapag sinasalubong ko ang Asawa ko galing sa trabaho. Pinagluluto ko siya at hinahandaan ng makakain. Hindi na nga lamang ngayon." Ngumiti siya nang may lungkot ang mga mata.

Halatang-halata ang pagod sa kaniyang mga mata. Mabilis ko siyang niyakap at niyakap niya rin naman ako nang pabalik. Ilang segundong naging gano'n ang posisyon namin hanggang sa kumawala na siya.

"H'wag ka ngang umiyak," sabi niya at pinunasan ang pisngi ko. "Ako ang namatayan dito, Hija. Hindi ikaw." Tumawa siya nang kaunti kaya alam kong biro 'yon.

Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako habang yakap siya. Siguro dahil nararamdaman ko rin ang pagbigat ng loob niya, sa tanang buhay ko, hindi pa ako nawawalan ng mahal sa buhay.

The Cursed Book Where stories live. Discover now