Kabanata 10

48 4 6
                                    

Bagsak balikat akong umupo sa upuan. I hope you can recognize me now? Ano 'yon? Sino ba siya?

Namimiss ko na si Selion.

Eh kung nakawin ko na kaya? Kaso hindi ko nga pala alam room nong nakamaskarang 'yon.

"Binibini?" Napalingon ako dahil sa gulat.

Tumawa naman siya nang nakita niya ang ekspresyon ko. Gugulatin pa naman ako!

Napatigil ako nang makita ko si Hanz na tumatawa. Biglang nag-slow mo ang lahat. Biglang lumakas ang hangin sanhi ng paglipad-lipad ng buhok ko. Ang mga bulaklak ay nakikipagsayawan.

"Binibining Ariella?"

"Oh?"

"Ayos ka lang? Bakit tulala ka?" Napa-iwas ako ng tingin.

"Ayos lang ako, sinong tulala?" Tanong ko. Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala siya.

"Uhm, ang aga mo yata?" Tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti nang tipid.

"May hinatid lang ako."

"Uh.. tagpuan na pala ang hardin ko." Ngumiti siya nang makahulugan. Tumaas ang kilay ko.

"Hindi ah, tsaka.. ano lang 'yon, hmm.. binalik ko lang 'yong Aso roon sa nakamaskara," sagot ko.

"Hindi mo kilala ang naka-usap mo kanina? At 'yong Aso na 'yon?" Tanong niya at parang manghang-mangha ang mga mata.

"Kilala ko sila, si Selion 'yong Aso at 'yong nakamaskara ay si Van. May problema ba ro'n?" Tanong ko. Ba't parang naiisip niya na nakipag-usap ako sa taong tatapos sa 'kin?

Taka niya akong tinignan. "Oo, ayon nga ang ngalan nila. Ngunit Binibini, kilala mo ba ang pagkatao ng nakamaskara na 'yong kinausap?"

Umiling ako sa tinanong niya. Malay ko bang baka trip niya lang magmaskara?

Ngumiti siya nang tipid at tumango rin. "Sa palagay ko, ititikom ko na lamang ang bibig ko. Hayaan na matuklasan mo." Nakangiting sabi niya.

Ang lalim ng sinabi niya pero hindi ayon ang nasa isip ko.

'Yong ngiti niya... nakakalaglag ng puso.

Kung dati crush ko siya ngayon, crush na crush ko na siya hehehe!

"Binibini?"

"Ay Anak ka ng Nanay mo," sabi ko at mabilis na humawak sa bibig. 'Wag ka kasing manggulat!

"Anak talaga ako ng Nanay ko." Ngumiti siya. "Nga pala, gusto mo bang ilibot kita?" Tanong niya. Tumango naman ako at eksoyted na ngumiti. Chance ko na 'to!

Nanlaki ang mata ko nang ilahad niya ang palad niya sa harap ko. Akmang hahawakan na sana nang ilagay niya 'yon sa dibdib niya at sinabing...

"Nagagalak akong ililibot kita sa 'king Hardin, Binibining Ariella." Mabilis kong binalik 'yong kamay ko sa likod dahil sa labis na pagkahiya.

Oh, Assumera, Ella.

"Sumunod ka sa 'kin at ipapakilala kita sa mga bulaklak na narito." Tumango naman ako at dahan-dahang sumunod sa kaniya.

Akala ko malawak na ang hardin pero mas mailalawak pa pala ito nang buksan niya ang gate. Nakakamangha ang bawat bulaklak na nakikita ko, iba't ibang kulay at kakaibang amoy ang meron sila. 'Yong iba ay hindi ako masyadong pamilyar at 'yong iba naman ay nakikita ko lang din sa hardin din ni Mama.

Speaking of my Mother earth, miss ko na siya.

Napabuntong hininga ako nang may nakita akong puting rosas. Paborito niya kasi ang kulay puti na mga bulaklak.

The Cursed Book Where stories live. Discover now