Kabanata 14

55 6 7
                                    

Napabangon ako sa kama dahil may narinig akong katok. Kahit na tinatamad ay tumayo ako. Baka si Jay ang nasa labas. Ang sabi niya kasi kanina may importanteng pupuntahan siya, hindi naman niya nabanggit kung saan.

Binuksan ko 'yong pintuan habang nakapikit. Inaantok pa rin ako, anong oras na ba?

"Binibini, gusto ko ang 'yong mukha." Mabilis akong napamulat dahil sa gulat. 'Yong diwa ko biglang bumalik dahil sa nagsalita 'yon.

"Ginagawa mo rito, Ferlly Jes Yamir?!!" Sigaw ko. Pinaglihi talaga 'to sa kabute, eh.

"May usapan tayo, Ariella Crisostomo." Napa-isip ako. Oo nga pala! Nakalimutan ko na, nakatulog ako.

"Makakalimutin talaga. Lagi mo na lang akong kinakalimutan." Napangiwi ako dahil sa huling sinabi niya.

"Sige, magbibihis lang ako," sabi ko at agad sinara 'yong pinto. Kumaripas ako ng takbo sa Cr. Nang tumingin ako sa salamin ay tayo-tayo ang buhok ko at may panis na laway pa kaunti sa gilid ng labi. Nakakahiya!

Pagkatapos kong naligo ay sinuot ko 'yong dress s'yempre na binili ni Jay. Sinuklay ko na rin ang buhok ko at hinayaan na bumagsak. Kinuha ko na 'yong susi at binulsa. Pagkatapos ay binuksan na 'yong pinto.

"Tara na?" Tanong niya. Tumango naman ako pagkatapos isara 'yong pinto.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang tinatahak namin ang daanan.

"Sa gilid ng palasyo, naroon ang lahat na gustong mag-ensayo," sagot niya pagkatapos ay sumakay na kami sa elevator. Tumingala ako at inaasahan na naroon na si Dexter, pero wala.

Bumaba na 'yong elevator, sabay kaming naglakad palabas ni Ferlly. Sana lang hindi ako nito niloloko, lilipad talaga siya.

Habang naglalakad, hindi makaligtas sa 'kin ang mga tinginan ng mga tao. Mas minabuting hindi ko na muna 'yon pansinin. Katulad ng kanina ay hindi na tinanong ang pangalan ko at pinapasok na agad sa loob. Dinaanan namin 'yong papunta sa hapag-kainan at pagkatapos ay lumiko. May gate ulit doon pero walang bantay kaya binuksan na lang ni Ferlly.

Pagkabukas ay napangapanga ako dahil labas na pala 'yon ng palasyo. Maraming taong nagkalat at may iba't ibang armas na hawak. Nabigla pa rin ako kahit na alam ko nang ganito ang makikita ko. Iba't ibang tao ang narito, mapa-Babae man o Lalaki.

May mga gumagamit ng palaso at itinatama 'yon sa bilog na bagay. 'Yong may pula sa gitna. Karamihan ay Babae ang gumagawa non.

May mga tao namang kumpol-kumpol sa gilid na naghahati ng mga kahoy gamit lang ang mga braso nila. Napapanganga na lang ako dahil sa nakikita ko ngayon.

Pinagsingkitan ko ng mata 'yong nakatalikod na Lalaki dahil parang pamilyar ang likod niya.

Lumapit nang kaunti at tinaasan siya ng kilay nang makilala ko siya. Si Lion!

"Kapatiddd! Nagagalak akong makita kaa!" Nanlaki ang mata ko nang tumakbo siya papunta sa 'kin at akmang yayakap sana nang sampalin ko ang kamay niya.

"Lumayo ka nga!" Sigaw ko dahil lapit nang lapit ang siraulo.

"Bunso naman, eh." Ngumuso siya. Bunso?!

"Bunso? At kailan mo ako tinawag na Bunso?" Ngumiti siya nang malapad at binaba-taas ang kilay.

"Bunso na ang itatawag ko sa 'yo," sabi niya at tumawa.

"Pumayag ba ako?" Sarkastikong sabi ko.

"S'yempre! Hindi mo ako matitiis 'no." Sinamaan ko siya ng tingin nang itulak niya ako. Nahulog tuloy ako sa damuhan.

"Hala, napasobra!" Sigaw niya at agad akong hinila patayo. Punyetang 'to!!

"'Wag mo nga akong hahawakan, tatadyakan kita!" Sigaw ko at pinagpag 'yong dress na suot-suot ko. Humalakhak naman siya kaya sinamaan ko ulit ng tingin.

The Cursed Book Where stories live. Discover now