Kabanata 39

21 2 8
                                    

"Uminom kana muna ng tubig." Kinuha ko 'yong binigay sa 'kin ni Ate Mariel. Inubos ko ang laman na nasa baso. Hingal na hingal pa rin ako at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Mas mabuti kung magpapahinga kana muna," sabi niya at binaba 'yong baso sa tabi ko. Umiling ako.

"Hindi po ako puwedeng magpahinga, kinuha si Almira, Ate Mariel. Hindi ako makakapagpahinga. Susunod ako kay Mang Arthuro." Akmang tatayo na sana nang hawakan niya ang balikat ko. Huminga siya nang malalim.

"Alam ko. Ngunit hindi ka maaaring sumunod nang basta-basta. Mapanganib at hindi mo alam kung ano ang bubungad sa 'yo sa labas. Mas makabubuti kung dito kana muna," sabi niya.

"Ngunit paano si Almira?" Tanong ko. Naramdaman ko na lang ang luha sa mga mata ko. Natatakot ako sa kung anong mangyayari.

"Huwag kang mag-alala para kay Almira. Alam kong hindi sasaktan ni Binibining Erine ang bata. Kahit papaano ay napamahal na ito sa kaniya at saksi ako roon. Makinig ka sa 'kin, Ariella. Hindi ligtas sa labas lalo na't wala kang kasama." Wala akong nagawa kundi tumahimik sa kuwarto kung saan natutulog si Almira. Napatingin ako sa Bintana, madilim pa rin at parang napakatagal lumiwanag.

Tumayo ako nang sumarado ang pinto. Dahan-dahan ko 'yong binuksan at sinilip si Ate Mariel na naglalakad palayo. Ang sabi niya ay kukuha siya ng makakain. Nang hindi ko na siya tanaw ay agad akong lumabas ng pintuan. Mabuti na lamang at walang tao sa hallway, lahat ng mga tao ay natutulog sa bawat kuwarto ng palasyo na ito.

Kailangan kong makalabas. Pero paano?

Nagmasid-masid ako upang walang makakita sa 'kin. Ayokong masumbong ako kay Ate Mariel, iisipin niya na hindi ako sumunod sa utos niya. Susunod naman ako, pero doon lamang sa sinabi niya na wala akong kasama papunta roon.

"Psst!" Sitsit ko kay Lion na ngayon ay lumalamon. Bantay 'to ah?

"Lion!" Mabuti at tumingin na siya sa 'kin. Nakatalikod si Ate Mariel habang inaayos ang pagkain. Mukhang nagpatulong siya kay Lion.

"Oy! Buns–" Napatigil siya nang takpan ko ang bunganga niya. Hinila ko siya sa tapat ng isang kuwarto na malayo sa kainan.

"Teka, Bunso! Kaibigan mo ang tipo ko–" Tinakpan ko ulit ang bibig niya at sumenyas na huwag mag-ingay.

"Kailangan kong makalabas ng palasyo nang walang nakaka-alam," sabi ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya.

"At may plano ka pa talagang lumabas at gumala sa ganitong sitwasyon, Bunso?" Tanong niya. Napapikit naman ako at umiling.

"Hindi 'yon! Kailangan kong sundan si Almira, ililigtas ko siya." Napatingin naman siya sa 'kin na hindi makapaniwala.

"Ikaw? Kaya mo?"

"Aba hindi s'yempre! Sasamahan mo ako." Ngumuso ako nang kaunti. Kaya ko nga siya hinila e, hindi ba obvious?

"Aba! Aba! Ariella ah, sinasama mo ako sa kalokohan mo. Ang isang Ginoo ay hindi sumasama sa isang kalokohan," sabi niya.

"Tutulungan kita kay Jay."

"Ngunit ako ay hindi isang Ginoo. Halikana, saan ba tayo dadaan?" Ilang segundo lang ay nagbago na agad ang isip niya. Napangiwi naman ako. Ngayon alam ko na kung sino ang kahinaan niya.

"Pagtaas ng tatlo kong daliri ay tatakbo ka mula rito hanggang sa tarangkahan nang walang ingay. Ako na ang bahala sa mga kawal." Tumango ako sa kaniya. Agad siyang umalis sa pinagtataguan namin. Tanging silip lang ang ginagawa ko upang hindi ako mapansin.

"Mga Ginoo! Aking napag-alaman na si Binibining Mariel ay nahihirapan sa pagdala ng mga pagkain para sa inyong lahat. Kailangan niya ng.. lima! Limang tao. Sakto! Tulungan niyo muna roon si Binibining Mariel." Pang-uuto ni Lion. At dahil kanang kamay ito ni Mang Arthuro ay mabilis niyang nautosan 'yong limang kawal. May dalawa na lamang na natitira.

The Cursed Book Where stories live. Discover now