Kabanata 17

50 5 12
                                    

"Kumain ka pa," sabi ng Hari at nagulat ako nang iabot niya sa 'kin 'yong kanin. "Mas maganda kung makakain ka nang marami." Dagdag niya pa. Tumango naman ako kahit na kanina pa ako nahihiya.

Inaya kasi ako ni Van na makipag-lunch, pumayag ako, s'yempre pagkain, eh. Huwag tatanggi.

Pero hindi ko naman alam na sasabay ang Tatay ni Van. Parang gusto ko na lang magpalunok sa dragon.

"May gusto ka pa ba? Kumuha ka pa, marami pang pagkain." Dagdag niya. Maraming putahe ang nakahanda sa lamesa, hindi sa nag-aassume ako pero parang pinaghandaan.

Hindi ko naman birthday.

"Ito? Gusto mo ba ito?" Turo niya roon sa salad yata 'yon na gulay. Sa sobrang dami nakakalimutan ko na ang mga pangalan.

"Ama, hinay-hinay lamang." Suway ni Van kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi pa siya kumakain. Mamaya na lang daw siya, eh.

"Ahm.. patawad. Natutuwa lamang ako sa 'yo, lahat ng itinuro ko ay kinakain mo." Nasamid ako bigla sa tubig. Todo rescue naman si Van at binigyan ako ng pamunas.

"Ayos ka lang?" Tanong ng Amang Hari at bahagya pang napatayo sa upuan dahil sa gulat.

"Ayos lang po ako," sabi ko at senenyasang umupo ulit.

"Patawad, ika'y binibiniro ko lamang. Hindi ko ibig na masamid ka dahil sa sinabi ko." Napakurap-kurap ako.

"Hala, hindi po! Masarap ang nakahain na pagkain at nagustuhan ko po ito. Sa katunayan ay masarap po ang nga itinuro niyong pagkain." Pagpapagaan ko ng loob niya. "Kaso po.. hmm, time out po muna ang bulate– ay este tyan ko po." Ngumiti ako sa kaniya.

Natawa naman siya nang kaunti at tumango-tango.

"Bilib ako sa 'yo, osiya, aalis na ako. Para makakain na rin ang Anak ko," sabi niya at tumayo. "Ikaw na ang bahala sa Anak ko, Binibining Ariella." Dagdag niya. Saglit naman akong napatigil.

"Ako–" Napatigil ako dahil naka-alis na siya kasama 'yong dalawa niyang kawal kanina.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa 'king Ama. Siguro, naalala niya lang ang aking Ina," sabi niya at tinanggal 'yong maskara para kumain.

"Sa 'kin?" Tanong ko.

"Siguro? May pagkaparehas kasi kayong dalawa ni Ina, kaya gano'n," sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Kaparehas? Ano naman?" Tanong ko. Kung ihahalintulad ko ang mukha ko sa mukha ng Nanay niya ay para lang akong katulong.

"Parehas kayong maraming nakakain." Tumingin ako nang blanko sa kaniya.

Ahh, talaga ba Van? Walang Prinsipe-prinsepe rito.

"Biro lang," sabi niya at tumawa. Sumubo na siya ng pagkain kaya hinayaan ko na lang at hindi na nagtanong.

Habang naglalakad ay lumulutang ang isip ko. Parang ayokong umalis dahil parang may nakalimutan ako. Si Selion? Hindi, hindi naman siya.

Parang may pinangakuan ako, eh.. hindi ko lang maalala kung sino.

"Tawagin niyo si Ginoong Sanchez! Inaapoy ng lagnat si Mira!" Sigaw ng isang Babae at nagtatakbo-takbo. Hingal na hingal siya at parang may hinahabol, halata rin sa mukha niya ang pag-aalala.

"Anong nangyari kay Mira?" Tanong ni Van nang dumaan 'yong Babae sa harap naman. Bahagya muna siyang yumuko para magbigay ng galang kay Van. Rinig ko ang mabilis na paghinga niya at nangangatog ang kamay nang tignan ko 'yon.

"Mahal na Prinsipe, si Mira po ay mainit ang kaniyang katawan." Malumanay na sabi ng Babae.

Wait, siya 'yong Babaeng kasama no'ng dalawang Babae na pinagbulungan ako na rinig na rinig ko naman.

The Cursed Book Where stories live. Discover now