Kabanata 06

74 5 1
                                    

"Nasaan ang mga magulang mo? Kinuha rin ba sila?" Napatingin ako sa kaniya. Tumango na lang ako kahit hindi 'yon ang dahilan. Akala niya siguro kinuha rin ng mga itim na tao ang magulang ko, gano'n din si Jay. Pero akala lang nila 'yon, kung alam niyo lang na hindi ako taga rito.

"Hindi na rin ako magtataka kung ayon ang dahilan kung bakit ka nagpunta ng palasyo," sabi niya at sinandal ang likod sa puno. Nagpahinga muna kami saglit dahil nakakapagod na maglakad.

"Eh, ikaw? Nasaan ang magulang mo?" Tanong ko. Pinikit naman niya ang mata niya.

"Sa palasyo na ako tumira, kaibigan kasi ng Amang Hari ang aking Ama kaya roon na rin ako nanirahan bata pa lamang ako," sagot niya, tumango-tango naman ako.

"Eh, bakit naging Iron Man-este kawal ka no'ng una tayong nagkita?" Tanong ko.

"Wala lang, sinubukan ko lang. Pumasok kasi sa utak ko kung anong pakiramdam na gano'n." Bahagya siyang tumawa. "Pero pinagalitan ako ni Ama no'ng nalaman niya."

"Ang swerte mo pala." Kumento ko kaya minulat niya saglit ang mata niya para tignan ako at pinikit na ulit.

"Kung alam mo lang ang paano kami mag-ensayo, hindi mo gugustuhing maging Anak ng kaibigan ng Amang Hari. Oo, para din naman sa 'min 'yon pero bata pa lang ako ine-ensayo na agad ako sa paghawak ng palaso. Kung paano gamitin nang maayos ang espada."

Napanganga naman ako dahil doon. Espada at Palaso? Walangya! Ano 'to, War?? War 3 gano'n? Anong klaseng libro 'to?!

"Egul 'yong kakayahan ko sa kakayahan mo." Nakangiwing sabi ko.

"Ano?"

"Ah, wala." Napakamot naman siya sa ulo. Hindi pala uso rito 'yong pagbabaliktarin ang salita.

"Uy, nakita ko ang 'yong ginawa sa mga kawal ah! Kababae mong 'yan nangdadaya ka pala." Nanlaki 'yong mata ko dahil doon.

"Paano mo nalaman?"

"Edi inamin mo rin na nandaya ka talaga? Kita ko ang pagsilip mo sa baraha no'ng araw na 'yon." Napakamot naman ako sa ulo. Pati ba naman siya gano'n din kay Jay? Nag-ingat na nga ako roon, e. May nakakita pa rin?

"Eh kasi naman.. wala akong kakayahan o kapangyarihan tulad niyo."

"Baka hindi pa lumabas," sabi naman niya pero kumunot lang ang noo ko. Akala niya siguro lalabas pa ang powers ko, eh wala nga.

"Wala akong kakayahan. Wala rin akong kapangyarihan." Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko. "Kung isusumbong mo ako at paaalisin sa loob ng palasyo, ayos lang."

"Hindi ka puwedeng umalis ng palasyo, mas ligtas ka roon at maraming magbabantay sa 'yo. Hindi rin kita isusumbong para hindi ka mapa-alis."

Lumingon ako sa kaniya. Nakatayo na siya habang nakangiti at nakalahad ang kamay niya sa harap ko.

"Sapat na ang pahinga, halikana't magpatuloy."

Tinanggap ko naman 'yon at tipid na ngumiti. Mabait din pala ang mokong na 'to. Panatag na ang loob ko sa kaniya. Mukha naman siyang matino.

"Ayos ka lang? Ba't parang basa ang palad mo?" Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Nakakailang lakad na kami, hindi pala niya tinanggal! At hindi ko 'yon naramdaman ah.

Mabilis kong binawi 'yon at pinagsaklob ang dalawa kong kamay na nagtutubig. Pasmado kasi ang kamay ko kaya ganoon.

"Baka ayan na ang kapangyarihan mo! Woohh!" Natawa naman ako nang kaunti dahil sa reaksyon niya.

"Pasmado lang ako! Anong kapangyarihan ka riyan?" Naka-taas kilay kong tanong habang nakangiti.

"Nasabi ko na ba kanina na maganda ka?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "Kung hindi pa.. ang ganda mo kapag nakangiti." Ngumiti siya at naunang naglakad.

The Cursed Book Where stories live. Discover now