Kabanata 26

42 4 11
                                    

"Magandang Umaga, Binibini. Mag-almusal kana." Nanlaki ang mata ko nang nakita ko si Mang Arthuro na nag-aalmusal sa lamesa. Ha?!!!

"Ay gising kana pala, Ariella. Ito nga pala si Arthuro.. ang Asawa ko," sabi ni Ate Miyen kaya mas lalong nanlaki ang mata ko. "May problema ba? Bakit tila ay gulat na gulat ka?" Umiling-iling ako at naupo na lang nang dahan-dahan sa tabi ni Mang Arthuro.

"Binibini, ako'y hindi nangangain kung kaya't wala kang dapat ikatakot sa 'kin," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya habang kumakain. Oo nga naman, Ella.

Pero kasi... kapag tinitignan ko siya sa mata hindi ako mapakali. May mali rito, may mali. Para bang magkaka-atraso ako sa kaniya.

"Ito na ang suot-suot mo kagabi. Salamat pala kagabi," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit po kayo ang nagpapasalamat? Hindi po ba dapat ay ako?" Tanong ko dahil ako ang pinatulog niya sa Bahay niya at pinakain pa. Para niya nga akong Anak dahil sa pag-aasikaso niya sa 'kin kagabi.

Imbes na sumagot ay ngumiti siya at nagulat ako nang yakapin niya ako. Niyakap ko rin siya nang dahan-dahan.

"Ang nangyari kagabi ay pinaka-malaking regalong natanggap ko.. kaya salamat Ariella. Salamat sa pakikinig." Hinagod ko ang likod niya dahil narinig ko ang bawat paghikbi niya.

Hindi ako nagtanong kung bakit dahil ayokong masaktan ulit siya kung ano man 'yon. May pinagdadaanan siya kaya yakap na lang muna ang kaya kong ibigay. Yakap na nariyan ako sa tabi niya.

"Sige na, tinatawag kana ng Asawa ko. Mag-iingat kayo. Huwag mong kalilimutang bumalik ulit dito, ah?" Tumango ako at saka nagpaalam na sa kaniya.

Napatingin ako sa kariton, hindi ko alam na nag-eexist pala rito ang kalabaw at kariton dito.

"Mukhang takot si Binibining Ariella na sumakay sa kalabaw." Rinig kong sabi ni Mang Arthuro. Nanlaki naman kaunti ang mata ko. Hindi naman sa takot pero unang beses kong sumakay. Wala akong probinsya kaya hindi ko naranasang sumakay sa kariton na hila-hila ng kalabaw.

"Mukhang maglalakad ka," sabi ni Ira and then she smirked. Napa-woah naman ako sa utak ko, bakit parang pinagtutulungan nila ako? 

Proud akong umupo sa tabi ni Ira at tinignan siya ng oh, bulaga, hindi ako takot bruha ka. Natawa naman siya nang kaunti kaya napanguso ako. Ano bang meron?!

"Mang Arthuro, salamat po," sabi ni Ira nang nakababa na kami. Nasa harap na kami ng palasyo ngayon at mahigit isang oras kaming bumiyahe kanina. Akala ko naman lilipad 'yong kalabaw kaya nila ako inaasar, tssk.

"Mag-iingat po kayo, Mang Arthuro!" Bati ko at winagayway ang kamay. Ngumiti naman siya at tumango.

"Osige, mauuna na ako!" Sigaw niya at sinimulan nang paandarin ang kalabaw. Sa tingin ko ay sa palayan ang punta niya dahil may mga punla siyang dala, sako-sako 'yon at may mga kagamitan din para sa bukid.

Naging magaan na rin ang loob ko kay Mang Arthuro dahil nagbiruan kami kanina at inaamin kong maganda rin naman pala siyang pakisamahan. Hindi na rin bumibigat ang loob ko sa tuwing nakikita ko siya o nararamdaman ang presenya niya. Ako lang siguro ang dahilan kung bakit gano'n ang nararamdaman ko.

"Ano bang tinutunganga mo riyan?" May bahid na inis ang tono ni Ira. Puwera pala rito sa Babae na 'to, sa buong biyahe namin tahimik lang siya. Sa tingin ko siya 'yong may takot sa pagsakay ng kalabaw, e. Ang higpit ba naman ng kapit sa kariton.

Pinapasok kami agad ng mga Iron Man. Napansin ko ngang napakarami nila sa labas. Eh, dati naman ay dala-dalawa lang ang bantay nila.

"Kailangang kong hanapin si Ariella, Ama! Baka kung anong nangyari sa kaniya!" Mabilis na lumingon ang ulo ko nang narinig ko ang boses ni Ferlly. Kaharap niya si Ginoong Leno, ang kaniyang Ama. Agad akong tumakbo para kalabitin siya.

The Cursed Book Where stories live. Discover now