Kabanata 07

62 7 10
                                    

"Ariella?" Napalingon naman ako kay Jay. "Oh?" Tanong ko pero umiling-iling lang siya.

Sinubo ko na lang ulit ang kinakain naming panggabihan, kanina pa ako tinatawag ni Jay pero iling lang ang sinasagot niya kapag sumasagot ako. Concern siya siguro.

"Matutulog na ako, napagod ako kanina. Ikaw na lang muna ang magdala niyang pinagkainan natin sa baba," sabi niya kaya napasimangot ako. Ang concern hindi nang-uutos eh!

Wala akong nagawa kaya dinala ko na lang 'yon. Habang siya? Ayon, nakadukdok na sa kama niya. Mukhang pagod pero hoy kumusta naman ako? Naging kabayo kaya ako kanina!

Hindi niya alam na mabilis ang malayo at mabilis ang tinakbo ko kanina. Tapos mas pagod siya sa 'kin? Weeh??

Gusto ko sanang magreklamo pero narinig ko na 'yong hilik niya. Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad. Mahina kong binuksan ang pinto at mahinang isinara 'yon. Baka magising ang dragon.

Alam niyo na, ayokong maging abo na lang bigla.

'Yong hallway ng condo na ito ay wala ng kahit anong tao. Gabi na rin kasi at pahinga na rin. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Sana lang nandoon si Ate Gema, 'yong nakapaghugas ng plato. Kung wala, lulunukin ko na lang 'tong plato.

Joke lang! Mahal ko buhay ko!

Pinindot ko na 'yong botton sa elevator pero nakalipas ang limang segundo hindi ito nagbukas. Kumunot ang noo ko. Tinopak na naman ba ang pandak na 'yon?

Sisigawan ko na sana siya nang may napansin akong sulat sa gilid ng pinto.

Ang gwapong tagapagkontrol nito ay may importanteng pinuntahan. Maghagdan ka na lang muna o kung ayaw mo tumalon ka na lang mula sa apat na palapag. Nagmamahal, pero hindi minahal, Dexter.

Nakangiwi akong habang binabasa 'yon. Sa sobrang liit niya pati sulat kamay niya ang liit din. At isa pa ah, pang kinder ang sulat!

Napahinga ako nang malalim bago naglakad pabalik para bumaba ng hagdan. Hindi nakakangalay ang pagbaba, ewan ko na lang mamaya kapag tataas ako.

Nang nakababa na ako mula sa fourth floor ay naglakad pa ako nang kaunti para makarating doon sa lababo na malaki. Sakto at hindi pa tapos ang paghuhugas doon. Paano ko nalaman? Ayon may mga bula-bula pa 'yong ibang plato at 'yong iba naman ay may sauce pa. Binaba ko na lang doon 'yong pinagkainan namin. Wala si Ate Gema rito.

Imbes na bumalik ako ay inilibot ko ang sarili sa labas. Kaunti ilaw na lang ang meron pero kita pa naman ang daan. Hindi pa naman ako inaantok at hindi rin ako nakatulog. Siguro maglilibot na muna ako.

Wala naman sigurong mga tao dahil oras na ng pagtulog. Kung may tao nga akong madaanan, siguro hindi naman siya masama. Tama! Marunong naman akong mag self defense.

Ngumiti ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Malamig ang simoy ng hangin, ramdam ko pa rin 'yon kahit naka manggas akong damit at pajama. 'Yong pajama ko na suot nang dumating ako sa librong 'to.

Hindi ko nga rin alam kung paano 'to nalabhan ulit. Imposibleng si Jay ang maglaba, hindi pa siya lumalayas sa tabi ko. Mabango rin ang amoy at talong talo niya ang surf na panglaba ni Mama.

Speaking of Mama, namimiss ko na siya. Pati si Papa. Kasama rin 'yong tatlo kong kapatid na makukulit. Pangalawang gabi ko na rito at hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako rito.

Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimulang mag-isip kung ano ba ang dapat ang gawin para makabalik. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa 'kin dito, wala akong ideya kung anong takbo ng kwentong 'to.

Naglakad-lakad na lang ako hanggang sa dalhin ang paa ko sa likod ng building na tinutuluyan namin. Hindi ko rin alam kung paano ako nandito. Hay! Lutang ka na naman, Ella.

The Cursed Book Where stories live. Discover now