Kabanata 31

27 2 14
                                    

Nagising ako nang sobrang sakit ng ulo ko. Ang huli kong natatandaan ay may tumakip ng bunganga ko at may nalasahan akong napaka-pangit na lasa. Minulat ko ang mata ko, nangunot ang noo ko nang napakadilim naman dito. Walang kuryente?

Tumayo ako habang hawak-hawak ang ulo ko. Naglakad ako hanggang sa makahawak ako ng rehas. Wuutt? Ba't may rehas dito? Inisip ko kung paano ako nakarating dito at bakit ako narito.

Gano'n na lang ang paglaki ko nang narealize ko kung paano ako nakarating dito. Waaaaahhhh!

Kung hindi ako nananaginip, ibig sabihin... makikita ko na naman 'yong epal na ibon na 'yon? Mama! Huhuhu!

Sumilip ako sa gitna ng rehas, sinuksok ko pa ang ulo ko pero hindi pa rin nagkasya. Medyo nasisilip ko naman at puro apoy ang nakikita ko. Ano ba 'to, hell?

"Psst!" Sitsit ko nang may biglang dumaan na itim na tao. Ngayon, hindi na ako natatakot sa kanila– joke lang pala.

Napalunok ako nang lumapit siya sa 'kin. Rinig na rinig ko ang hininga niya. Napakabigat sa loob. Ano ba ang nangyayari?

"Gising kana pala." Lumapit siya sa 'kin kaya umatras ako. Napansin niya 'yon kaya tumigil siya. "Kumain kana," sabi niya at binaba 'yong tinapay sa baba. Malumanay ang pagkakasabi niya non, isa siyang Babae.

"Hindi ako kakain hangga't hindi niyo ako pinapakawalan," sabi ko pero napatigil ako nang kumalam ang tiyan ko. Napahawak ako roon. Nakalimutan ko! Nagkape lang pala ako kaninang umaga.

"Ikaw ang bahala." Nang lingunin ko siya ay wala na ang anino niya. Dahan-dahan akong lumapit doon sa tinapay. Baka may lason 'to, tapos kapag kinain ko mahihimatay ako tapos paggising ko iniihaw na ako.

Pero nagugutom na talaga ako. Napanguso ako at kinuha 'yong tinapay.

Mamatay rin naman, ayokong mamatay sa gutom.


"Kapag pinalaya mo ako rito, promise! Bibigyan kita ng gantinpala." Pang-uuto ko roon sa dalawang kawal nila na nakatayo sa gilid. Napanguso ako at umupo na lang sa gilid. Medyo napapagod na rin ang bunganga ko kakasalita, pero kita mo naman hindi nila ako pinapansin. Kapag talaga ako nakabalik dito! Wala.. hindi na ako babalik dito! Ayoko nang makita ang pagmumukha niya kahit na may takip! Pwe!

Nanahimik na lang ako pero ang utak ko ay hindi tumitigil sa pagsumpa sa kanila. Kumati sana ang likod nila tapos hindi nila makamot!

Kagigising ko lang at nabwesit lang ako. Hindi ko rin alam kung paano ko natulog, basta pagtapos kong kainin 'yong tinapay ay hindi ko na alam kung anong nangyari. Pero sure akong walang lason 'yon dahil hindi na ako nakakaramdam ng pagsakit ng ulo. Tapos okay naman ang mga organisms ko. Gumagana pa ang puso ko.

Hindi ko alam kong anong oras na o kaya anong oras ako nakatulog. Wala rin kasing bintana ang pagsisilipan dito. Puro dilim at tanging liwanag lang ng apoy ang gamit nila. Feel na feel mo talagang nasa hell ka.

Napatayo ako nang biglang lumapit 'yong dalawang kawal at tinanggal 'yong lock ng rehas. Napa-ohh pa ako dahil masunurin pala sila.

"Ano bang gusto niyong gantinpala?" Tanong ko pa kahit na wala akong maibibigay sa kanila. Pero napatigil ako nang lagyan nila ng tali ang kamay ko at nilagyan ng piring.

"Hoy! Ano ba!! Bitiwan niyo nga akooo! Mga pangit kayoo!" Sigaw ko. Ramdam kong hinila nong isang kawal ang kamay ko na may tali. Wala akong choice kundi sumunod. Gusto ko siyang batukan pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako. Hindi ko alam kung bakit.

Ilang segundo ang nakalipas bago nila akong bitiwan. Napaluhod ako sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Tinanggal 'yong telang nakapiring sa 'kin. May isang Lalaki na naka-upo sa kulay itim na trono at habang 'yong Babaeng nagbigay sa 'kin ng tinapay ay nakatayo sa gilid nito.

The Cursed Book Where stories live. Discover now