Kabanata 38

23 2 9
                                    

"Jay!" Sigaw ko. Lumingon siya sa 'kin habang dala-dala ang gamit niya. Madilim na at mahamog na rin. Silang lahat ay nakahanda na sa pagsugod.

"Mag-iingat ka," sabi ko. Tumawa naman siya nang kaunti. Nacocornihan siguro siya sa sinabi ko. Hindi naman kasi siya sanay roon. Hindi ko alam dito, pinaglihi yata siya sa ampalaya.

"Gagawin ko," sabi niya at umalis na. Pero bago 'yon ay ngumiti siya nang kaunti sa 'kin at tumango. Tinanaw ko sila kung paano maglakad. Ang iba ay nakasakay ng kabayo at handa na nila ang kanilang mga gamit, habang ang iba ay naglalakad. Kulang kasi ang kabayo kung kaya't ang iba ay naglakad na lamang.

"Pumasok na tayo." Napatango ako kay Lion. Habang naglalakad ay napatingin ako sa kaniya.

"Bakit hindi ka sumama?" Tanong ko. Tumingin siya saglit sa 'kin.

"Napag-utusan lamang. Ang sabi niya ay wala ka raw kapangyarihan, Bunso. Kaya pala nadadakip ka," sabi niya at mahinang natawa. "Ngunit, hayaan mo, narito ako. Ang pinaka sa pinaka-magandang Lalaki sa balat ng lupa na pro-protekta sa 'yo." Ngumiti siya sa 'kin.

"At hmm, itago na natin sa pangalang Lian ang nakapagsabi non." Bigla siyang humalakhak. Siguro kung narito si Jay ay paniguradong sunog 'to. Ayaw ni Jay nang tinatawag sa pangalawang pangalan niya.

Naglakad ako nang lumilipad ang utak ko. Ano kayang mangyayari pagsikat ng araw? Magtatagumpay kaya sila? Hindi ko masagot ang tanong ko sa isip ko dahil wala ako roon.

Magiging okay kaya si Van? Kaya niya kaya? Kaya ba nilang lahat? Natatakot ako sa susunod na mangyayari. Natatakot ako na baka- tinampal ko ang sarili ko. Kaya nila 'yon, Ella. Ba't ka ba nag-ooverthink. Sila pa kaya?

Pinilit ko ang sarili kong ayon ang isipin. Akmang papasok na sana ng palasyo nang naramdaman kong nahulog ang mahalan na nasa tainga ko. Dinampot ko 'yon at napatitig doon. Napangiti ako dahil bumalik ulit sa 'kin ang nangyari kanina.

Napabangon ako nang naramdaman kong naghahanda si Jay. Minulat ko ang mata ko at kinusot 'yon. Napatingin ako sa orasan, alas onse na ng gabi.

"Matulog kana muna," sabi niya pero huli na dahil nakatayo na ako at inaayos na ang kama ko. Nakatulog pala ako kanina, sabi ko hindi ako matutulog, e. Pinag-iisipan ko kasi kung may alam sa 'kin si Binibining Erine. Kung may alam siya matutulungan niya kaya ako? Pero imposible 'yon. Hindi naman manghuhula o ano si Binibining Erine.

Napatigil ako sa pagtupi nang narealize ko 'yon. Paano kung manananggal siya? O kaya naman manghuhula? Haluh!

"Ariella?"

"Ay manananggal!" Tuluyan nang nabuhayan ang kaluluwa ko dahil kinalabit ako ni Jay.

"Ano na naman ba ang tumatakbo sa isip mo?" Tanong niya at kinuha 'yong panyo at binulsa 'yon sa mahaba niyang pants. Para siya ngayong sundalo na makikipagbakbakan.

"Wala.. antok lang," sabi ko at tinapos na ang pagtutupi.

"Sabi ko sa 'yo, matulog kana muna." Sinuot niya ang bag pack niya sa likod. Puti lamang 'yon at parang lubid ang hawakan.

"Ayos lang ako. Concern ka naman sa 'kin." Napatawa nang kaunti. Tinakpan ko ang bibig ko pero naririnig pa rin ang tawa ko kaya napatingin siya sa 'kin habang naka-taas ang kilay.

"Tigil-tigilan mo ako sa pag-iinglis mo, Ariella ah." Suway niya kaya napatikom ako ng bibig. Nakakatakot talaga 'yong naka-ukit na parang apoy sa mata niya.

The Cursed Book Where stories live. Discover now