Kabanata 12

56 6 14
                                    

"Sabing ibaba mo ako, eh. Sasapakin ko mukha mo!" Sigaw ko sa kaniya. Binalik niya ako sa pinakadulong kuwarto, ayon 'yong kuwarto kung saan ako nanggaling kanina.

Tinignan ko siya nang masama. Walangya 'to!

"Kailangan kitang kausapin," sabi niya pagkatapos niya akong ibaba sa kama. Nagising tuloy roon si Selion, sumampa siya sa hita ko at umupo roon.

"Sabihin mo, hindi 'yong bubuhatin mo ako!" Reklamo ko. Mababaliw ako sa Lalaking 'to!

"Patawad," sabi na parang nahihirapan pang sabihin 'yon. 

"Oh, ano na pag-uusapan?" Tanong ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ulit ako maging takure.

"Tungkol ‘to sa–"

Napatigil siya nang kumalam ang tyan ko. Napahawak ako roon. Hindi nga pala ako nakapag-almusal kanina, kape lang.

"Uh.. gutom na ang alaga mo sa tiyan." Napatitig ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin nang marealize ko 'yong sinabi niya.

"Wala akong alaga sa tiyan ah!" Protesta ko. Alaga ko ba 'yong mga bulate sa tiyan ko? Anak ko sila, eh.

"Kumain na muna tayo, Selion come here." Mabilis na tumalon si Selion sa kaniya. Buti na lang at magaling 'tong Asong 'to kung hindi, kasa-kasa buto nito.

"Sumunod ka na lang sa 'kin." Tumayo na ako at gaya ng sabi niya ay sumunod ako. Habang sumusunod ay hindi ko maiwasang isipin 'yong linyang sinabi niya sa 'kin kanina.

Gutom na ang alaga mo sa tiyan? Uso na ba 'yon sa kwentong 'to? Kay Mama ko lang naman 'yong naririnig, eh.

Hindi ko na lang 'yon inisip at sumunod na lang sa kaniya. Nang makababa ay huminto muna ako para tignan 'yong pinaka-huling kuwarto. Ano na kayang nangyari kay Almira? Sinabi ko pa naman sa kaniya na babalikan ko siya.

Tinahak namin 'yong kanang bahagi, ito lang pala 'yong palabas. Walangya, muntik na ako magminiminimaynimo kanina.

Pero hindi kami lumabas dahil tinahak na naman namin 'yong isang hallway. Hindi ko na alam kung saan 'to, gulong-gulo na ang utak ko. Kailangan ko ng mapa ng palasyo nila.

Nang nakarating kami sa kulay gintong pintuan ay binuksan 'yon ni Van, sumunod ako nang pumasok na siya. Napanganga ako ng sobrang lawak ng loob at sa gitna ay may mahabang lamesa. Sa gitna non ay may iba't ibang klaseng prutas.

Wutt? Akala ko damo lang ang pagkain nila rito, may prutas pala. Unper 'yon ah!

Nilibot ko pa ang tingin sa lahat ng paligid. Ang pader ay may iba't ibang desenyo. Hindi ko lang alam kung anong tawag sa desenyo na 'yon pero kakaiba siya. Maraming ilaw na nakabukas mula sa taas kapag tumingala ka. Parang pumunta kana ng event, pero sis, hapag-kainan lang nila 'yon.

May nakalatag na kubyertos sa mahabang lamesa at kulay puti ang tela na nakalatag sa lamesa. Pang sosyal talaga ang dating. Lahat din ng nakalatag ay pang-mayaman na gamit. Nakakahiya 'yong mukha ko sa kinis nila.

Magkano kaya sahod ng mga katulong dito? Mag-aapply ako.

"Binibini?" Napalingon ako sa kaniya.

"Oh?"

"Umupo kana."

"Ohblong."

"What?"

Umiling ako habang nakangiti nang kaunti. Paano ba naman kasi, 'yong 'yong tono ng boses niya parang sinabihan ng masama.

Speaking of masama. Tinawag nga pala ako nitong idiot! Akala niya makakalimutin ko ah!

Bubuwelta na sana para magsalita nang napatigil ako dahil may narinig akong nagbukas ng pintuan. Napatingin ako roon, may isang Lalaki na lumabas doon at isang Babae naman ang kasunod niya.

The Cursed Book Where stories live. Discover now