Kabanata 37

26 3 17
                                    

"Magandang Umaga, Ariella." Bati ni Manang Hesta sa 'kin. Ngumiti naman ako at binaba ang plato naming dalawa ni Jay na ginamit namin sa umagahan.

"Ariella– Binibining Ariella!" Ngiti ni Celestina na naka-upo rin sa maliit na bangko. Sinasamahan niyang maghugas ng plato si Manang Hesta.

"Kumusta kana? Hindi na po kita madalas makita dahil abala po ako sa pagkabisado sa mga sangkap ni Ginoong Cook." Tawa niya. Ngumiti naman ako.

"Maayos naman ang lagay ko," sagot ko.

"Kilala ka niya, Anak?" Tanong ni Manang Hesta. Nagulat pa ako roon dahil si Celestina pala ang kaniyang Anak na binabanggit niya sa 'king gusto ang pagluluto.

"Ahh, opo, Inay. Nakilala ko po siya no'ng pumasok po siya sa kusina ng palasyo," sagot ni Celestina. Napatango-tango naman si Manang Hesta at ngumiti sa 'kin.

"Nabigyan ka ba ni Ginang Morgan ng magandang payo tungkol sa umamin sa 'yo?" Medyo may panunuyong tanong niya. Napalunok naman ako.

"Ahmm.. o-opo. Nabigyan naman po ako," sabi ko at ngumiti. Kahit na ang sinabi ni Ginang Morgan ay pala-isipan.

"May umamin sa 'yo, Binibini?!" Gulat na tanong ni Celestina. "Ang maipapayo ko po sa 'yo ay huwag na huwag ka pong magpapakuha sa mga matatamis nilang salita! Minsan ay hindi po ito totoo at nagpapanggap lamang sila upang sa gayon ay maibalik mo ang nararamdaman nila sa 'yo." Tinaas niya pa ang kubyertos na hawak-hawak niya.

"At saan mo natutunan 'yan, Anak? Hindi ba't sangkap lamang ang itinuturo sa 'yo ni Ginoong Cook." Naibaba ni Celestina ang kubyertos na hawak-hawak niya. "Umiibig kana ba?" Tanong ni Manang Hesta.

"Hindi po, Inay! Mas iibigin ko pa po ang mga sangkap na itinuturo sa 'kin ni Ginoong Cook! Nalaman ko lang po 'yon dahil ayon ang payo ni Ginoong Cook sa 'kin, ngunit wala pa po akong natitipuhan." Depensa ni Celestina. Natawa naman si Manang Hesta, nabasa ang iniisip ng Anak.

"Mauuna na po ako, Manang at sa 'yo rin Celestina." Ngumiti sa 'kin si Manang Hesta. "Mag-iingat ka, Hija."

Iniwan ko na silang nag-aasarang mag-ina. Natigil ang pagtawa ko nang nakita ko si Ginoong Arthuro. Awkward akong ngumiti sa kaniya nang ngumiti siya sa 'kin.

"Magandang Umaga, Ariella." Bati niya. Umakto akong normal at walang nalalaman sa harapan niya. Totoo kaya ang sinasabi ni Almira? Kung totoo nga, ibig sabihin nagka-anak sila ni Binibining Erine?

"Magandang Umaga rin po." Ngumiti ako.

"Mukhang may bumabagabag sa 'yong isipan, ayos ka lang ba?" Tanong niya. Tumango-tango ako. "Ayos lamang po ako. May iniisip lang po," sagot ko. Tinaas niya ang kamay niya at pinatong 'yon sa tuktok ng ulo ko.

"Mamayang gabi na gaganapin ang pagsalakay. Alagaan mo ang 'yong sarili, Ariella. Hindi ko gustong makulong ka sa mundong ito." Pagkatapos niya 'yong sabihin ay umalis na siya sa harap ko.

"Ang bilis mong matuto," sabi ni Lion at uminom ng tubig. Ngumiti naman ako at ininom 'yong inabot niya sa 'king tubig. Siya lang nagturo sa 'kin, mula no'ng isang araw hanggang ngayon. Siya na raw ang magpre-presinta, pero tinataboy naman si Ferlly kapag balak niya akong turuan.

Hindi ko rin alam kong nagpapa-pogi points ba 'to kay Jay at ako ang ginagamit niya. Pero kita ko naman na sincere siya sa mga ginagawa niya sa 'kin. Tinuturing niya akong Bunso raw niya.

"Bakit nga pala Bunso ang tinatawag mo sa 'kin?" Tanong ko at binaba ang hawak-hawak kong bote. Inistretch ko ang braso ko dahil nangalay ito kakahawak ng espada.

"Wala naman.. gusto ko lang makaranas nang may kapatid," sagot niya at ibinaba rin ang bote.

"Bakit? Wala ka bang kapatid?"

The Cursed Book Where stories live. Discover now