Kabanata 21

42 3 12
                                    

"Aalis ka ulit?" Tanong ko kay Jay. Inayos niya ang gamit niya. Kinusot ko ang mata ko dahil kagigising ko pa lang.

"Mabuti gising kana, oo aalis ulit ako. Roon ulit ang punta ko," sabi niya na parang walang nangyari kagabi. Napakurap-kurap ako nang naalala ko na naman ang nangyari kagabi...

"Umiikot ang mundo... katapusan na ba natin lahat?" Hiniga ko siya nang maayos sa kama. Kumuha ako ng tubig at binasa 'yong tela roon.

Pinunasan ko ang lasing niyang mukha. Pagkatapos ay binalik na 'yon doon. Inayos ko ulit ang higa niya dahil mahuhulog na naman siya.

"Ang sakit ng ulo ko.. mamatay na ba ako? Ito na ba 'yong kamatayan ko sa kwentong 'to?" Sunod-sunod na tanong niya pero hindi ko inintindi 'yon dahil inaayos ko pa ang suot-suot niyang sapatos. Tinanggal ko ang sapatos niya at nilagay sa gilid.

"Mamatay na ako wooo! Dapat ba akong matuwa?" Tumawa siya. Napakamot na lang ako sa ulo ko habang pinagmamasdan siya. Gumulong siya nang gumulong Hanggang sa mapagod. Tumitig siya sa 'kin at ngumiti.

"Sapira.. kapatid ko." Tumulo na naman ang luha niya. "Bukas.. ayon na ang huli na pipilitin kitang sumama sa 'kin. Pagkatapos ay lilimutin na kita. Sa tingin mo, kakayanin ni Ate na kalimutan ka?" Pinunasan niya ang luha niya.

"Ilang taon kitang hinanap. Ilang taon akong walang naging kasama. Tapos nang nakita na kita, sasabihin mong kalimutan kita? Sa tingin mo, kakayanin ko 'yon?" Umupo ako sa gilid ng kama. Tahimik at hindi makapagsalita.

Pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo at humarap sa 'kin.

"Sapira.. hindi kaya ni Ate. Mahal kita.. hindi 'yon kaya ni Ate." Napakurap-kurap ako nang nahulog na talaga ang katawan niya. Nasapo ko na lamang ang noo ko.

"Ayos kana ba?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti nang tipid.

"Nakainom na ako ng jamute," sabi niya. Dinala na niya ang bag niya at akmang aalis na sana nang nagsalita muna siya bago lumabas ng pinto.

"Sa nangyari kagabi.. salamat." Ayon ang huli niyang sinabi bago isara ang pinto.

Napahinga ako nang malalim. Sa nangyari kagabi, parang ngayon niya lang nasabi ang buong problema niya. Parang ngayon niya lang nalabas makalipas ang ilang taon.

Sapira? May kapatid siya. Nasaan naman kaya? Wala pa siyang nababanggit sa 'kin tungkol sa kaniya, puwera na lang no'ng lasing siya kagabi.

Inayos ko na ang kama ko saka tumayo. Lumabas ako ng kuwarto para kuhanin na 'yong nilabhan na damit. Agad akong sumakay ng elevator nang bumukas na 'yon.

Tumingala ako para kumustahin sana si Dexter, pero ang kapatid niyang si Sandro ang naroon.

"Magandang umaga.. nasaan ang Kuya mo?" Tanong ko. Bumaba naman ang tingin niya.

"Nasa bahay po, Binibini. Inaasikaso si Ama," sagot niya. Tatanungin ko sana kung ayos lang siya pero biglang bumukas ang elevator.

Nagpaalam na ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nangunot ang noo ko nang maraming tao ang nasa labas. Hindi pa sumisikat ang araw. May dala-dala silang palamuti.

Tinuon ko na lang ang atensyon sa paglalakad hanggang sa makarating na ako. Kumaway ako kay Manang Hesta na naglalaba ng damitan. Agad naman siyang napunas ng kamay at tumayo para salubungin ako.

"Kukuhanin mo na ba?" Tanong niya.

"Opo, Manang Hesta," sagot ko. Tumango naman siya at naglakad. Nang nakalapit na roon sa sampayan ay agad niyang kinuha ang damitan namin ni Jay at nilagay sa basket na nasa baba nito.

The Cursed Book Where stories live. Discover now