Kabanata 16

48 4 16
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mata ko. Kinusot ko muna ang mata ko bago 'yon imulat.

Nilibot ko ang tingin bago tumayo. Panibagong araw na naman, panibagong araw sa mundong 'to- este sa librong 'to.

Minsan naiisip ko, ano kaya role ko sa kwentong 'to?

Inayos ko ang kama ko dahil nagulo ito dahil sa likot kong matulog. Maayos naman ang tulog ko kagabi, hindi naman bangungot. Pero 'yong kama ko, ang gulo-gulo.

"She wears high heels
I wear sneakers
She's Cheer Captain, and I'm on the bleachers." Pagkanta ko at pinagpag ang unan.

"Dreaming about the day when you wake up and find
That what you're looking for has been here the whole time." Napatigil ako saglit dahil may kumatok. Napangiti ako at pinagpatuloy ang pagkanta habang naglalakad papaunta sa pinto.

"If you could see that I'm the one
Who understands you
Been here all along
So, why can't you see?" Tumigil ako para pataasin ang tono ng boses ko.

Pinihit ko ang doorknob.

"You belong with me-" Akala ko si Ate Gema ang kumatok pero hindi si Ate Gema ang bumungad sa 'kin.

Si Van! JUSMEYO MARYOSEP! AMEN!

Dahil sa gulat ay agad kong sinara 'yong pinto. Para akong naging istatwa dahil lang sa nakaharap ko siya.

Ang galing mo, Ella. Dagdag hiya na naman.

"Ba't ganiyan mukha mo?" Mas lalo akong nagulat dahil doon. Napatingin ako kay Jay na nag-aayos ng buhok. Sinabit niya 'yong tuwalya at nagsuklay ng buhok. Hindi siya naka-dress ngayon, mahaba ang suot niyang pangbaba at may manggas naman ang pang-taas.

"Aalis ako, siguro mamayang gabi na ang balik ko. Ikaw na ang bahala sa kuwarto, 'wag kang magpapapasok ng kung sino-sino," sabi niya at inayos ang bag niya. Kumunot ang noo ko.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" Tanong ko. Wala naman siyang ka-date, wala naman siyang Lalaki. So, hindi siya makikipagkita. At kung sa loob lang ng palasyo ang punta niya ay imposible rin.

"Sa labas ng palasyo, may hahanapin lang ako." Malamig sagot niya at binitbit ang bag sa likod.

"Hahanapin? At ano naman?" Tanong ko.

"Wala na 'yon sa 'yo." Dumiretso siya ng cabinet at pinasok lahat ng nakapatong doon at dineretso sa bag na dala-dala niya. Hindi pamilyar sa 'kin ang lahat ng nakapatong doon.

Tumahimik ako hanggang sa mapaipasok na niya lahat ng gamit doon sa bag niya. Tinignan niya ako saglit at naglakad na papunta ng pinto. Pagkapihiti niya agad siya yumuko.

Nando'n pala si Van! Nawala sa isip ko!

"Magandang umaga, Prinsipe. Bakit po kayo narito?" Tanong ni Jay. "At bakit po hindi ho kayo kumatok?" Napalunok ako nang narinig ko ang pangalawang tanong niya.

"Ahm, gusto ko lang bisitahin si Binibining Ariella." Nang tignan ako ni Jay ay umiling-iling ako bilang wala akong alam diyan.

Tumingin siya ulit kay Van. "Tumuloy po kayo," sabi ni Jay kaya napanganga ako nang kaunti. Tumango si Van nang kaunti.

"Gusto niyo po ba ng maiinom? Tubig?" Isinara ko ang pinto at ewan ko kung matatawa ako o hindi. Biglang tiklop tayo, Mare ah.

"Hindi na. Ayos lang." Pagkatapos 'yon sabihin ni Van ay tumingin sa 'kin si Jay kaya tinikom ko ang bibig ko kahit na nagpipigil ng tawa.

Tinignan naman niya ako nang masama na parang gusto niya akong sunugin. Pero dahil nandito ang Prinsipe at ngayon lang naman. Grab the chance, Ella!

Ngumiti pa ako sa kaniya nang nakakaloko. Pero imbes na mainis ang mukha niya ay ngumiti rin lang din siya. 'Yong ngiting plastic friends.

The Cursed Book Where stories live. Discover now