Kabanata 18

57 4 4
                                    

"Sige nga anong paborito kong pagkain?" Tanong ko kay Almira at hinarap siya.

"Ate Ariella, nakababasa po ako ng isip. Hindi po ako manghuhula," sabi niya at napakamot sa ulo. Ene-echos ako nito, eh.

Kanina pa kasi ako hindi makapaniwala. Imposible pero totoo. Hindi sa nagdududa ako pero parang nagsisinungaling ang Batang 'to.

"Binibini, hindi po nagsisinungaling si Almira." Napalingon ako kay Venny. Siya raw 'yong secretary parang gano'n ni Haring Raval. Siya rin 'yong nakita ko nang una kong nakita ang Hari, at siya rin ang dahilan kung paano ko nalaman na Hari na pala ang kaharap ko.

"Ako nga po, masaya akong naalala mo ako, Binibining Ariella," sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Tumungo siya nang kaunti.

"P-paano mo nalaman?"

"Telepatiya, Binibini," sagot niya. "Gaya ng nagagawa ni Almira ay nagagawa ko rin. Nagagawang makabasa ng isipan." Dagdag niya dahilan para mapatigil na ako.

"Maraming salamat kay Ate Venny, natutuhan ko ang kapangyarihan niya ahihihi." Tawa ni Almira. Ibig sabihin, kay Ate Venny talaga ang may-ari ng kapangyarihan na 'yon.

"Tama ka, Binibini. Sa dugo namin galing ang kapangyarihan na 'yon," sagot niya kaya napalunok ako. Hindi nga siya nagjo-joki-joki.

Kaya pala no'ng hinatid niya ako sa silid no'ng isang araw nang e-echos pala siya kasi nababasa siya ang pagrereklamo ko. Teka, lugi ako roon ah!

"Pero hindi niyo po kadugo si Almira, hindi po ba?" Tanong ko. Kasi imposible na magawa rin 'yon ni Almira kung hindi sila magkadugo. Dahil kakasabi niya lang, sa dugo nila nanggagaling 'yon. Maliban na lang kung magkadugo nga talaga sila.

"Binibini, hindi ko kadugo si Almira. Ang nagawa niya ay natutuhan niya mula sa 'kin," sabi niya. Napatango naman ako, gets ko na.

"Puwede rin po ba akong matuto?" Tanong ko at ngumiti nang malawak. Naisip ko kasi ang cool makabasa ng isipan. De joke lang, gusto ko lang mabasa ang iniisip ni Jay, may concern 'yon sa 'kin eh.

"Nagagalak akong maturuan ka," sabi niya kaya dahan-dahan akong ngumiti. "Ngunit ako naman ang mawawalan." Dahan-dahan ding nagfade ang ngiti ko.

"Kung sasabihin ko sa 'yo kung ano ang dapat gawin, parang kinuha mo na rin ang kapangyarihan ko. Ang kapangyarihan ay may hangganan, at ayon ang hangganan ko. Limitado lamang dahil iisa lang ang puwede kong maturuan at mabigyan ng kapangyarihan kong ito," sabi niya. Pero bakit si Almira? Hindi naman sa na-iinggit ako pero masyado pa atang Bata si Almira. Mga kasing edad lang niya si Diane at Duine at ang pagkaka-alam ko hindi pa umuusbong ang kapangyarihan o kakayahan nila.

"Binibini, kailangan ni Almira ang kakayahan ko kaya ipinagkaloob ko ito sa kaniya," sagot niya sa tanong na nasa isip ko. Tumango na lang ako.

Parang lugi ako rito ah.

"Kumusta, Mira? Ayos na ba ang 'yong pakiramdam?" Rinig kong tanong ni Ginoong Sanchez habang naka-upo siya sa kama, naroon naman si Almira na naka-higa. 

Tumalikod na lang ako at lumabas ng kuwarto para makapag-usap din sila. Hapon na pala, hindi ko man lang naramdaman ang oras.

Naka-uwi na kaya si Jay?

Akmang aalis na sana nang may humawak ng braso ko. Nagulat ako roon kaya agad ko siyang nasampal.

Mabilis akong kumurap nang nakita ko si Van na hawak-hawak ang pisngi niya.

JUSMEYO MARYOSEP!

"Oy! Hala hala! Ayos ka lang?" Taranta kong tanong. Tumango naman siya kaunti. Hindi ko alam kung namumula ang pisngi niya dahil sa maskara niya, pero medyo nayupi 'yon dahil sa pagsampal ko.

The Cursed Book Where stories live. Discover now