Kabanata 28

33 3 6
                                    

"Sumama kana, Apo." Napalingon ako dahil may pamilyar na boses akong narinig. Si Ginang Morgan.

"Lola, hindi na po." Si Dasha 'yon.

Teka.. Lola niya si Ginang Morgan?!

"Isang beses sa isang taon lang 'to nangyayari. Sige na, Apo, sasamahan kita." Pagpupumilit ni Ginang Morgan. Sa huli ay napapayag din naman si Dasha kaya sa harap na lang ang tinuon ko.

"May isa pang upuan, mga Binibini huwag na kayong mahiya." Rinig kong sabi ni Ate Venny pero hinila siya pababa ni Manang Hesta, 'yong kasama ni Ginang Morgan sa paglalaba. May kasama itong isang Babae.

"Sige na, Binibining Venny, sa 'yo na ang upuan na 'yon." Natatawang sabi ni Manang Hesta at silang dalawa na ng kasama niya ang naging emcee. Tumawa naman nang malakas ang iba dahil sa reaksyon ni Ate Venny.

"Tayo'y magsisimula na. Mga Ginoo, maaari na kayong pumila." Napatitig naman ako sa harapan. Hindi ko matanaw si Dexter, nagpahuli?

Nagsimula na ang pilian at halos nang nasa harap namin ni Jay ang napipili. Medyo nauubos na rin ang nasa likuran namin. Kinakabahan ako? Oo. Paano kung pangit ang napunta sa 'kin? Pero kahit pangit na, basta marunong sumayaw o kaya naman ay hindi reklamador kapag napatapakan ko ang sapatos niya.

Si Jay naman ay chill na chill lang na naka-upo na parang walang pakialam kung sino ang makakakuha sa kaniya.

May isang Ginoo na dumaan sa harap ko, tumigil pa nga siya. Akala ko pipiliin na niya ako pero naglakad siya pabalik at kinuha ang kamay ni Plean.

Tinanggal niya 'yong piring, napakurap-kurap pa si Plean dahil guwapong Binata ang nakakuha sa kaniya.

Sumunod naman sa kaniya si Yeon. Paano ko nalaman? Kilala ko ang haircut ni Yeon kaya ko siya namukhaan. Patuloy-tuloy siya sa dinadaanan niya na parang sure na sure siya sa kukuhanin niya. Hanggang sa huminto siya sa harap ni Celestina, bahagya siyang yumuko at tinanggal ang piring.

"Magandang gabi, Binibini." Rinig kong bati niya. Nagsitilian naman ang mga kababaihan na malapit sa kaniya.

"Ikaw na naman?!" Medyo may inis na pagkakasabi ni Celestina.

"Oo, ako na naman." Kumindat si Yeon kaya agad na nagtilian ulit. 'Yong iba ay nangungutya na. Napangiwi naman ako dahil doon.

Dinala na ni Yeon si Celestina sa gilid para makapili naman ang iba. Nakabusangot pa ang mukha ni Celestina na mukhang ayaw niya kay Yeon, napatawa ako.

Si Kuya George na ang pipili. Naghiyawan ang mga tao at sinabing kumanan dahil naroon si Ate Venny. Hindi ko maiwasang mapatili nang ilahad ni Kuya George ang palad niya sa harap ni Binibining Venny.

"Ang sabi nila ay kanan kung kaya't kumanan ako." Nagsitawanan ang mga tao. "Ngunit alam kong ikaw 'yon kung kaya't sumunod ako." Mas lalong umingay ang mga tao na nasa gilid.

Kitang-kita ang pagpupula ng pisngi ni Ate Venny dahil sa dami ng ilaw na nakasabit.

"Nambola ka pa. Halikana." Agad na hinila ni Ate Venny si Kuya George dahilan para magtilian ulit ang mga kababaihan.

Lumipas ang ilang minuto ay anim na lang kaming naka-upo. At saktong anim na lang din ang mga kalalakihan na natatanaw ko. Kasama roon si Van kaya nagdadasal na 'ko.

Anak na lang siguro ng Principal! Huwag na ng Hari!

"Sa tabi ko." Bulong ko kay Lion nang dumaan siya sa gilid ko. Napatigil naman siya at nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya.

Nang mapatingin ako kay Jay ay nagulat din siya nang huminto niya sa si Lion. Lihim akong napangiti dahil doon. Nilahad ni Lion ang palad niya sa harap ni Jay at bahagyang yinuko ang ulo.

The Cursed Book Where stories live. Discover now