Kabanata 13

46 4 4
                                    

Pinagmasdan ko lang kung paano silang maglakad dalawa. Nasa likuran lang nila ako at para akong timang na sunod-sunuran sa kanila. Teka nga, ano bang ginagawa ko rito? Bukod sa magsosorry dahil sa pagsobra ng bukas ko ng pinto ay manghihingi rin ako ng tawad sa hindi ko pagtrato ko sa kaniyang hindi Prinsipe.

Hindi ko inaakalang Prinsipe siya. Wala kasi 'yon sa pananamit na suot-suot niya. Para siyang simpleng tao lang na naninirahan sa palasyo. Ngayon ko lang din narealize na kaya pala siya niyuyukuan kasi nga Prinsipe siya! Ba't ngayon ko lang 'to naisip? Nakakainis!

Tapos ako 'tong kakapasok lang sa libro at wala pang ka-alam-alam. Sa susunod, lahat na ay kikilalanin ko. Tatanungin ko na talaga kung ano siya, napapahamak ako kapag hindi nagtatanong, eh!

Kagaya na lang nong sa Hari, napakalaking pagtataksil 'yon at sobrang laking kahihiyan.

Tapos ito? Waaahhh, Prinsipe naman. Sino pa? Sino pa sunod? 'Yong Reyna? Ahhh, 'wag naman.

Time out muna!

"Maayos naman na ang hukbo natin, nakapagtipon na rin ang mga kasamahan natin. Kung 'yong gugustuhin, puwede kang dumalaw." Rinig kong sabi nong Babae.

Pamilyar talaga sa 'kin 'yong Babae, hindi ko lang maalala kung saan.

"Ako'y pupunta mamayang hapon," sabi naman ng Mokong– este Prinsipe.

Mukhang delikado ako nito, ah.

"Binibining Ariella, ako'y mauuna na. Mukhang maayos naman ang Prinsipe. Salamat sa 'yong ginawa." Tumigil muna ako sa paglakad para maharap siya. Yumuko siya nang kaunti sa 'kin.

"Sige po, ingat." Ayon na lang sinabi ko pagkatapos ay ngumiti na siya. Ngiti-ngiti siya riyan, hindi ko matanggap na nililihim niya sa 'kin 'yong pagkatao ni Van. Tsskkk.

Kaya pala hirap siyang sabihin ang pangalan na Van no'ng kagabi dahil hindi siya sanay kasi Prinsipe ang tawag niya kay Mokong.

Akala ko ba, Friends? Friends? Bakit may lihiman dito? Hay! Nakakaloka!

Dumiretso na ako sa paglalakad at nakita kong lumabas 'yong Babae roon at kuwarto. Tinignan ko siya nang maigi. Pamilyar talaga, eh.. aahh! Siya! Siya 'yon! Siya 'yong kapatid ni Ferlly.

Ngumiti ako sa kaniya pero naputol 'yon nang tignan niya ako nang masama at inirapan pa. Whuuttt?

Pagkatapos non ay nilampasan na niya ako. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwala sa nangyari.

Dapat ba ako mainis?

Nagtuloy na lang ako sa paglalakad at pumasok ako roon at kuwarto na nilabasan niya kanina. Nilibot ko ang buong kuwarto. Maayos naman, malinis at ka-aya ayang tignan ang kuwarto niya. Paano ko nalaman na kuwarto niya 'to?

Kaamoy niya kasi 'yong kuwarto niya, kaya sigurado akong sa kaniya 'to.

Paano ko naamoy? May ilong ako.

Kulay puti ang bedsheet at medyo gold ang punda ng unan. Simple lang din ang disenyo ng loob. Hindi siya bongga at hindi rin naman pangit. Sakto lang.

Napatingin ako sa litrato na nasa gilid ng kama. Pumunta ako roon para makita ko nang maayos. 'Yong unang litrato ay malaki, siya lang ang nandoon. Naka-unipurme siya habang suot-suot niya ang maskara.

Napangiti ako nang– haaa??? 'Wag kang ngingiti, Ella! Masama!

Binaling ko na lang ulit 'yong tingin sa iba pang litrato, may kasama siya at tatlo sila. Mga bata.

Uh.. sina Ferlly, 'yong mokong at 'yong supladang Babae no'ng Bata pa lang sila. May hawak-hawak si Ferlly at palaso at habang 'yong Babae ay may hawak-hawak na espada. Habang si Mokong naman ay may hawak-hawak na hindi ko alam kung ano 'yon.

The Cursed Book Where stories live. Discover now