Kabanata 11

44 6 9
                                    

Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang suot ko. Inikot-ikot ko pa ang sarili ko sa salamin.

"Kahit isang oras ka pang tumitig sa salamin, hindi magbabago ang mukha mo." Rinig kong sabi ni Jay na nakatingin sa 'kin. Napanguso ako dahil doon.

"Umalis kana, maling pinaghihintay mo siya." Umiwas ako ng tingin. Oo nga pala, si Selion!

Tinignan ko muna 'yong sarili ko sa salamin. Pagkabukas ko ng pinto ay huminto muna ako.

"Mauuna na ako, Jay!" Sigaw ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Agad kong sinara 'yong pinto at kumaripas ng takbo.

Kung sino-sino na ang nababangga ko sa hallway na dinadaanan ko. Pero ang pinagtaka ko lang, imbes na ako ang manghingi ng sorry, sila ang humihingi ng sorry. Huh?

Nang bumukas na 'yong elevator ay agad akong pumasok doon. At s'yempre, ako na naman ang pinauna nila. Ngumiti na lang ako roon sa mga taong nasa labas.

Nagsimula nang umandar 'yong elevator pero ni-isang salita o bati man lang wala akong narinig kay Dexter. Hanggang sa bumaba na ang elevator at gano'n pa rin.

Hindi na naman ba siya ang operator?

Lumabas ako ng elevator at sinilip siya. Siya pa rin naman si Dexter, pero bakit may mali? Naninibago ako.

Ngumiti ako sa kaniya at winagayway ang kamay ko nang kaunti. Tipid na ngiti lang ang ginawad niya at tumaas na 'yong elevator.

Tumakbo ako nang mabilis habang iniisip kung anong meron. Bakit naging gano'n 'yon? Hindi naman siya gano'n, hindi naman siya gano'ng katahimik.

Tinakbo ko 'yong papasok sa palasyo. Mabuti na lang at pinagbuksan ako agad ng mga Iron Man, gano'n na sila sa 'kin. Ni-hindi na nga tinatanong pangalan ko. Anong nangyari?

Nang nakapasok ako ay winagsi ko na muna sa isip ko lahat. Ang mahalaga ay pupuntahan ko si Selion. Nasaan nga ulit siya?

Nasapo ko ang noo ko nang hindi ko nga pala natanong doon kay Kuyang George kung saan ang meet up place.

Paano na 'yan? Napaka lawak pa naman 'tong palasyong 'to. Siguro kung lilibutin ko ang buong palasyong 'to, aabot ako ng kalahating Araw.

Babalik na sana nang may humarang sa 'king Babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya si.. Venny? Oo, siya nga.

"Ariella Crisostomo, tama?" Tumango ako.

"Sumunod ka sa 'kin." Nagsimula na siyang maglakad kaya wala na akong naging oras para magtanong. Sumunod ako kahit na hindi ko alam dahilan. Sunod daw ako, eh. Edi sunod.

Ilang liko na rin ang nilikuan namin kaya medyo nagtataka na ako.

Pinagloloko ba ako nito?

"Hindi ako nakikipaglokohan, Binibini." Nanlaki 'yong mata ko. Ano?? Paano niya nalaman 'yon?

"Kapangyarihan." Ayon ang huli niyang sinabi bago maglakad ulit. Sumunod lang ako habang nagtataka sa sinabi niya.

Sumunod ako sa kaniya nang umakyat na kami ng hagdanan. Hindi ko na alam ang dinadaanan namin. Hindi ko na rin nasaulo kanina dahil sa pag-iisip ng mga sinasabi niya.

Isang hallway ang dinaanan namin pagkatapos ng sobrang daming baitang. Hindi naman sa pagrereklamo, pero bakit walang elevator? Nakakapagod.

Sa hindi kalayuan may pinto roon na gawa sa kahoy. Hindi ko alam kung anong meron sa loob non. Pero sana, sana lang maayos ang nasa loob non.

Tumigil si Ate Venny sa pinto at hinarap ako. Nangunot ang noo ko nang tanggaling niya ang pang-ipit sa buhok niya at
sinuklay ang buhok ko na gulo-gulo. Nakita ko 'yon sa repleksyon ng salamin sa gilid.

The Cursed Book Where stories live. Discover now