Kabanata 27

30 6 5
                                    

"Ayos ka lang ba, Ariella?" Bungad sa 'kin ni Jay nang binuksan ko ang pinto ng kuwarto namin. Tinignan ko siya at tumango.

"Oo, ayos lang ako." Ngumiti ako nang may narealize ako. "Nag-aalala ka ba?" Tanong ko at tinaas baba ang kilay, nang e-echos.

"Lahat naman mag-aalala," sabi niya at naglakad papunta sa lamesa namin. Napangiwi naman ako habang nakangiti. Isinara ko ang pintuan at naglakad na rin sa direksyon niya.

Umupo ako sa harap niya at may nakahandang pagkain doon. Siguro kabibigay lang ni Ate Gema 'yon.

"Kumain kana," sabi niya. Umiling ako. Naparami ang kain ko kanina. Na-uto ako ni Van, e.

"Anong nangyari? Magkwento ka," sabi niya at sinimulan ang pagkain.

"Hmm.. wala naman, hinabol lang naman ako ng malaking ibon na parang gusto niya akong patayin. Tapos 'yong kasama niya na Babae, hay." Nasa utak ko pa rin hanggang ngayon ang mukha niya dahil pamilyar talaga siya sa 'kin. Iniisip ko pa rin kung saan ko siya nakita.

"Tapos.. niligtas ako ng isang Babae. Babae na kasing ugali mo rin." Napa-iling iling na sabi ko.

"Anong sabi mo?" Napakurap-kurap ako nang taasan niya ako ng kilay. Patay.

"Ang ibig kong sabihin.. maganda rin ang ugali niya! Tulad.. tulad mo." Ngumiti ako sa kaniya pero iling lang ang sinagot niya at pinagpatuloy na lang din ang pagkain.

Tumayo na lang ako para ilagay 'yong dress na suot-suot ko kagabi sa basket namin. Nangunot ang noo ko nang may nakita akong litrato na maliit doon at bulsa ng damit ni Jay. At dahil dakila akong chismosa ay tinignan ko 'yon.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko 'yon. Si Jay 'yon na may akbay-akbay na Batang Babae.. si Ira.

Si Ira ang kapatid ni Jay?!

Sa litrato ay medyo maliit pa si Ira ngunit kamukha niya talaga! Hindi ako nagkakamali!

Pero hindi.. hindi pa naman sigurado. Malay ko bang tropa lang sila. Pero hindi ko rin naman ikaka-ila na medyo may pagkaparehas talaga sila. Mula sa mukha at sa ugali. Bakit hindi ko 'yon napansin no'ng una ko siyang nakita?

"Jay.. ito ba ang kapatid mo?" Hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya. Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa hawak-hawak kong litrato.

"Oo.. siya nga." Imbes na magulat ay nalungkot ako. Napakalapit lang nila sa isa't isa.. pero ang puso nila ay lumalayo nang dahil sa isang kasalanan.

Inigaw sa 'kin ni Jay 'yong litrato at binulsa 'yon sa suot niyang dress. Alam kong masakit pa para sa kaniya. Ikaw ba naman pagsabihan na kalimutan ang isang tao pero hindi mo kaya dahil mahal mo.

Mahirap makalimot, lalo na kapag ayaw mo.

Si Jay na ang nagsauli ng mga plato namin, inubos na niya rin 'yong sa 'kin dahil sayang daw. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kama ko. Nagising ako nang gulo-gulo ang buhok at alas kwatro na ng hapon.

Naglinis na muna ako bago lumabas ng kuwarto. Hinihintay nga pala ako ni Ferlly sa Ilog Raval. Ano na naman kaya kailangan non?

"Ariella, buti buhay ka pa!" Inirapan ko si Dexter.

"Oo, buti na lang talaga kasi kung hindi iiyak ka sa 'kin," sabi ko. Natawa naman siya.

"Biro lang, malakas ka kaya." Ngumiti siya sa 'kin. "Kumain nga lang." Dagdag niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kapag ba sinuntok kita sa mukha, makakatawa ka pa ba?" Sarkastikong tanong ko. Natahimik naman siya at wala pang tatlong segundo ay nagsalita ulit.

"Biro lang, pinapatawa lang kita! Pasensiya na, ha? Iniwan kita.." Bumaba ang boses niya. "Hindi ko alam na patibong pala 'yon. Kung alam ko lang, Ariella. Hindi ka sana napahamak." Nang sinilip ko siya ay bahagyang yumuko ang ulo niya.

The Cursed Book Where stories live. Discover now