Kabanata 20

49 4 8
                                    

"Kahit na ang may maskara pa?" Tumitig ako sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Oo! Na medyo may paghihinagpis." Umakto siyang nasasaktan ang puso niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ako natutuwa.

Nasasaktan siya. Hindi niya lang sinasabi.

"Mareng Ariella kapag umibig ka hindi mawawala ang pagkadismaya at paghihinagpis. Lalo na kapag hindi ikaw ang ninanais," sabi niya at tinaas baba ang kilay sa harap ko. "Kapag umiibig ka, tatanggapin mo ito nang buo kahit na hindi ikaw ang gusto." Dagdag niya.

"At saan mo nakuha 'yan, sa 'yong Ina ba?" Tanong ko. Tumawa naman siya nang kaunti.

"Pareho, kay Ama't Ina." Ngumiti ako nang kaunti.

"Ikaw ba, Ariella? Umiibig kana ba?" Tanong niya na may panunuyo ang ngiti.

"Kay Pri?"

"Oo." Napatakip ako sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Sinabayan niya ako!

"Hindi sa Prinsip–" Naputol ang sasabihin ko nang nagsalita siya.

"Hayaan mo, hindi ko naman sasabihin sa kaniya. 'Wag kang mag-aalala! Ang 'yong sekreto ay ligtas sa 'kin!" Magiliw na sabi niya pero sinamaan ko pa rin siya ng tingin.

'Tong maliit na 'to talaga! Wais!

"Anong sekreto?" Nanlaki ang mata ko roon. Nakatayo si Van sa harap namin ni Dexter kaya agad ako napatayo nang tuwid. Katabi niya si Dasha na wala man lang ekspresyon ang mukha niya.

Parang kanina lang nakita ko ang mga ngiti niya habang kinakausap siya ni Van, ah.

"Wala, Pri. Kami ni Binibining Ariella ay nakikipagbiruan lamang." Magalang na sagot ni Dexter. Natawa ako nang kaunti nang nakita kong nanginginig ang kamay niya. Kinakabahan sa presensya ni Dasha.

Natigilan ako nang nakitingin pala sa 'kin si Van. Deretsong-deretso sa mata ko. Napalunok ako, 'yong tingin niya parang may nagawa akong mali.

"Anong sadya niyo rito?" Tanong ni Van. Lihim kong kinalabit si Dexter para manghingi ng tulong. Hindi ko alam sasabihin ang sasabihin ko! Natameme na yata ako sa titig niya.

"Ahh, nais kasi ni Binibining Ariella na matutong pumana. Kaya simahan ko siya rito," sagot ni Dexter. Tumango naman ako kahit na pabor sa 'kin na gawin 'yon. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nakuha ni Dexter ang sagot niya.

Magsasalita sana ulit si Van nang may biglang tumawag sa kaniya. Napalingon ako roon at nakita ko si Kuya George na tumatakbo. Huminto siya sa harap ni Van.

"Nariyan na po si Binibining Evine," sabi niya. Dali-dali namang umalis si Van na parang nagmamadali. Sumunod din sa kaniya si Dasha. Habang si Kuya George lang ang tumingin sa harap namin at ngumiti bago sumunod din.

"Evine?" Tanong ko sa sarili.

"Si Binibining Evine ay ang Kapatid ng Prinsipe. Siya ay nanggaling sa palasyo ng itim na tao upang maging espiya sa kanila," sagot ni Dexter. Kapatid?

Magtatanong pa sana nang may biglang sumigaw.

"Yuhoooo!" Napalingon ako roon. Kumakaway-kaway pa ang Lion. Mabilis siyang tumakbo kasama 'yong kaibigan niya na si Yeon.

"Kayo ah, lagi na lang kayong magkasama." Panunuyo niya. Parehas naman kami nandiri ni Dexter.

"Kung magkakagusto ako rito, daig ko pa ang magpapakamatay." Turo sa 'kin ni Dexter. "Ayoko pa mamatay 'no! May pakakasalan pa ako ahihihihi."

"Anong sadya niyo rito?" Tanong ko.

"Mag-eensayo sana kami ni Yeon, Bunso. Wala naman kasing magawa sa kuwarto, tsaka hindi lumalabas ang kasama mo." Umakto siyang nasasaktan. "Pero hindi pa rin nawawala sa 'king isipan kung gaano siya kaganda." Sa isang segundo nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

The Cursed Book Where stories live. Discover now